Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ipinasilip ang Naging Masayang Travel Niya sa Bansang Spain

Noong Abril 9, 2022, nagpost ng isang travel vlog si Bea Alonzo sa kanyang youtube channel na naglalaman ng kanyang pagbisita sa Spain. Hindi alintana sa aktres 18 oras at 2 oras na layover ng kanyang byahe papunta sa Spain, sabi niya ay natulog at nanood lamang siya ng dalawang pelikula (House of Gucci at The Eyes of Tummy) at isang dokumentaryo ni Alanis Marisette.

Nilibot at ipinakita niya din ang hotel room ng kanyang tinuluyan, isang Junior Suit, kasama rin niya sa naturang pagbisita ang kanyang kaibigan na si Nina. Matapos niyang ipakita ang kanilang tinutuluyan, kumain naman sila sa isang tapa restaurant sa Lateral, Madrid.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Sa pagpapatuloy ng kanyang vlog, makikita na bumisita siya sa isang sikat na museo sa Spain, ang Prado Museum na kung saan makikita ang higit kumulang na 2,300 na mga paintings, mga eskultura, prints at mga drawing na mga donasyon at binili na Hindi niya lamang makuhaan ng litrato at bidyo ang mga naturang paintings dahil ma higpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa loob ng museo ngunit makikita sa kanyang vlog ang mga paintings na kuha sa Instagram post ng naturang museo.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Matapos niyang umikot at mamangha sa Prado Museo, kumain naman siya sa Mercado De San Miguel na kung saan makikita at mabibili ang mga orihinal na mga tapa at makikita din dito ang mga tapa bars at restaurant. Pinasilip niya din ang mga pagkain na pwedeng kainin dito, at mga pasalubong na pwedeng mabili.
Pumunta din siya sa Jollibee ng Spain, “Feels like home” ika nga niya ng makapasok siya sa loob nito at makita ang mga iba’t ibang desinyong pinoy.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Bumisita din siya sa Plaza Mayor, isang malaking lugar na kung saan makikita ang mga sari-saring restaurant na pwedeng mapagkainan. Matapos niyang maglibot sa Plaza Mayor, kumain naman sila sa isang restaurant kung saan sinabi niya na ang naturang restaurant ay tatlong daang taon na (300 years old), pinakita niya din ang mga pagkaing pwedeng makain dito.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

NSinimulan naman niya ang kanyang pang-apat na araw sa Spain sa Cafe Comercial, Madrid, isang café na may 150 years old na ang tanda na hindi binabago ang interior nito. Pumunta din sila sa La Mallorquina, isang pastry café bago pumunta sa La Latina upang bisitahin ang Flea Market, na nangyayari lamang tuwing Linggo sa Spain.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Pinakita niya dito ang sari-saring pwedeng mabili katulad ng pagkain, bags at mga kung ano ano pa. Inihalintulad niya ito mga tiangge na makikita sa ibang lugar din. Nilibot niya at pinakita ang sari-saring mga bilihan na pwedeng makita sa Flea Market, mula sa mga painting, jackets, vintage things at mga pagkain.

Tinapos niya ang naturang vlog sa pag-kain at paglalakad at pagpasyal niya sa Spain. Sa higit ku mulang na 20 minutong vlog, hindi lamang at pinakita ni Bea Alonzo ang pag bisita niya kundi naipakita niya din ang gandang napakaloob sa Spain.

error: Content is protected !!