Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ipinasilip Ang Masayang Pagdiriwang Ng Pasko Ng Kanyang Pamilya sa Kanyang Napakagandang Farm Sa Zambales

Isang masaya at espesyal na vlog ang hatid ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang YouTube Channel nito lamang ika-1 ng Enero. Ito nga ay dahil ang nasabing vlog ay naglalaman ng masasayang kaganapan at bonding moments ng kanilang pamilya nitong nagdaang pagdiriwang ng kapaskuhan.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Dahil nga ang diwa ng kapaskuhan ay pagmamahalan at pagbibigayan, ay hindi nakaligtaan ni Bea na magkaroon ng isang masayang selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at mga staff sa kanyang napakagandang farm na Beati Firma.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Talagang damang-dama ang paskong Pinoy sa naganap na selebrasyon ng kapaskuhan sa farm ni Bea. Makikita na kompleto ang pamilya ni Bea sa selebrayon at naroon rin ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque at pamilya nito. Ang mga staff ng kanyang farm kasama ang mga pamilya nito ay dumalo rin sa masayang pagdiriwang.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Kapag sinabi ngang paskong Pinoy, ay hindi mawawala ang simbang gabi na siyang nangunguna sa listahan natin na dapat gawin tuwing kapaskuhan. Kaya naman, sa bagong tayong chapel nina Bea sa farm ay isang simbang gabi ang idinaos na kung saan ay dinaluhan ng kanilang pamilya at mga staff ng farm.

At pagkatapos nga ng simbang gabi ay may masasarap na puto bumbong sa labas ng simbahan na hindi rin nawawala sa tradisyon ng mga Pinoy. Kaya naman, hindi rin nakalimutan ni Bea na magpasadya ng gumagawa ng puto bumbong at sinamahan rin ng aktres ng popcorn machine. Tila nga nagmistulang maliit na bayan na may simbahan ang farm ni Bea dahil sa bago nitong chapel. At makikita rin ang mga ilaw sa farm na napakaganda namang pagmasdan.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Isa rin sa hindi nakalimutan ni Bea at parte na nga ng kulturang Pilipino tuwing kapaskuhan ay ang pagkakaroon ng Christmas party. Nagkaroon ng Christmas party ang pamilya ng aktres kasama ang mga staff ng farm. Maliban sa pagbibigayan ng regalo ay hindi rin talaga nawala ang mga nakakatuwang parlor games na inihanda ni Bea. Mas lalong naging exciting ang palaro ng aktres dahil sa malaking papremyong naghihintay sa mananalo.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Magkakasama rin nilang pinagsaluhan ang masasarap na pagkaing nakahain sa mahabang mesa. At habang kumakain nga, ay nabusog rin sila sa masaya nilang kwentuhan. Makikita sa mukha ng bawat isa ang saya at talagang damang-dama naman talaga ang diwa ng pagmamahalan.

CREDITS: Bea Alonzo | YT

Dahil nga sa nag-uumapaw na biyaya ang natanggap ni Bea nitong nakaraang 2021, ay labis naman ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang masayang buhay ngayon. Isang masaya at makulay na love life na hatid ng kanyang boyfriend na si Dominic, isang maganda at matagumpay na karera, at isang pamilya na laging nakasuporta sa kanya at mahal na mahal siya. Tila nga wala ng mahihiling pa ang aktres sa mga biyayang kanyang natatanggap kung saan ang kanyang buhay ay puno ng saya at pagmamahal.

error: Content is protected !!