Bea Alonzo, Ipinasilip ang Kanyang Pagha-harvest ng mga Pananim na Gulay sa kanyang Napakalawak at Napakagandang Farm

Marami nga ang pinahanga ng aktres na si Bea Alonzo matapos niyang isapubliko ang kanyang naipundar na napakalawak at napakagandang farm na matatagpuan sa Zambales na kanyang binigyan ng pangalan na Beati Firma.

Hindi naman nga nakapagtataka kung sa loob ng halos dalawang dekada pagsusumikap sa showbiz ay nakapagpundar siya ng isang farm. Sa nasabing farm naman naglalaan ng oras ngayon si Bea para ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang simpleng buhay niya sa farm sa pamamagitan ng kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Maliban nga sa mga alagang hayop at malawak na taniman ng mangga ay may matatagpuan ring pananim ng iba’t ibang klase ng gulay sa farm ng aktres. At kamakailan lamang nga ay ipinasilip ni Bea sa kanyang vlog ang masaya niyang pamimitas ng mga gulay kasama ang kanyang kapatid na si James.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Malaking tulong naman para sa pamilya ni Bea ang pagkakaroon ng vegetable garden sa kanilang farm. Bukod kasi sa malaking tipid ay nakakatiyak rin silang masustansiya ang mga gulay na ihahain sa kanilang hapag. Pawang organic nga ang mga gulay nina Bea sa kanyang farm na talaga namang hatid ay sustansiya sa kanilang pamilya. Hindi na rin kailangan pang lumabas ni Bea para magtungo sa palengke at bumili ng sangkap para sa kanilang lulutuin dahil matatagpuan na sa kanilang vegetable garden ang kanilang kailangan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Kasama ang kanyang kapatid na si James at nilibot ni Bea ang vegetable garden. At ang mga sangkap nga sa pagluluto tulad ng pakbet o kaya naman sinigang ay matatagpuan sa vegetable garden sa farm ng aktres. Makikita nga rito ang sitaw, sili, okra, kalabasa, at talong. May pananim rin silang pipino, patola at mais.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Makikita naman na talagang enjoy na enjoy si Bea sa pamimitas ng mga gulay at excited ring magluto gamit ang mga gulay mula sa kanilang vegetable garden. Ipinaliwanag rin ni Bea ang mga putahe na maaari nilang lutuin gamit ang mga gulay.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Samantala, ibinahagi naman ng kapatid ni Bea na si James ang kagandahan ng pag-iinvest sa traktora upang magamit sa farm. Napakalaking tulong nga ito para mapadali ang mga gawain sa farm katulad na lamang nga ng pagbubungkal ng lupa at paglilinis o pagpuputol ng mga damo.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Dahil nga, buhay farm na rin si Bea ngayon ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na sumakay at magpaandar ng traktora. Bago sumalang ay tinuturuan muna si Bea ni James kung paano gamitin ang traktora. Mabilis naman itong nakuha ni Bea, at sa unang pagkakataon nga ay napaandar niya ang isang traktora at sinubukan ang pagputol o paglilinis ng damo.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Makikita naman na talagang enjoy na enjoy si Bea sa bago na naman niyang karanasan at natutunang gawain sa kanyang napakaganda at malawak na farm.