Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda at Magarbong Airplane Cabin-Inspired Taping Van

Sa loob halos dalawang dekadang pag-aartista sa industriya ng showbiz ay hindi pa nagkaroon ng artista van ang aktres na si Bea Alonzo. At ito nga ay dahil hindi niya naisip na magpagawa ng kanyang customized van dahil noon raw ay hindi naman niya ito kailangan. Ngunit, sa pagdating ng pandemya kung saan nga ay kaligtasan ng karamihan ang nakasalalay, ay nagpasya na si Bea na magpagawa ng kanyang sariling customized van kung saan siya magiging ligtas at komportable rin siyang makakapagpahinga.

Credits: Bea Alonzo | YT

At kamakailan lamang sa latest vlog ng Kapuso actress ay ipinasilip niya ang kanyang napakaganda at magarbong airplane cabin-inspired taping van. Inilibot ni Bea ang kanyang mga tagahanga sa loob ng kanyang taping van.

Pagpasok pa lang nga, ay nakahanda na ang safety at health essentials ni Bea gaya ng alcohol at pang sanitized niya kanyang suot na sapatos, at may nakahanda na ring indoor slippers na kanyang isusuot sa loob ng van. Kahanga-hanga naman talaga sa ganda ang van ni Bea, dahil ang disenyo nito ay hango nga sa isang ereplano at aakalain na nasa business class cabin ang aktres.

Credits: Bea Alonzo | YT

Ipinakita ni Bea ang leather reclining chair na talaga naman nakakarelaks dahil isa rin itong massage chair. Napakaganda ring pagmasdan ang relaxing lights, at star light ceiling nito. Ayon naman kay Bea ang kanyang van ang nagsisilbi niyang mini home sa tuwing may taping siya sa malalayong lugar na kinakailangan ng mahabang biyahe.

Ang van ni Bea ay mayroong built-in Alexa kung saan ay nagagawang voice-automated ang kanyang van. Mapapansin rin na halos lahat ng kailangan ni Bea ay nasa loob na ng kanyang van. Makikita na maraming overhead compartments ang van ni Bea kung saan niya itinatago ang kanyang mga gamit na kailangan.

Credits: Bea Alonzo | YT

Mayroon rin itong dressing area kung saan siya maaaring mag-ayos at pagpalit ng damit sa tuwing may taping. Ibinahagi rin ni Bea na nakasanayan na niyang magdala ng microwave sa set dahil mas gusto niyang iniinit ang pagkain bago kainin. Kaya naman, sa kanyang van ay nagpasadya siya ng lugar para sa kanyang microwave para maenjoy niya ang masarap at mainit na pagkain kahit nasa taping. May maliit na fridge rin ang aktres para naman sa inumin. At siyempre dahil nga mahilig siyang magkape ay mayroon ring coffee station ang kanyang van.

Samantala, talagang sinulit na ni Bea ang makapagrelaks habang nasa loob ng kanyang van dahil may sarili rin itong television at may Netflix pa. May intercom ring ipinasadya ang aktres para naman makapag-usap sila ng driver kapag may kailangan siya.

Credits: Bea Alonzo | YT

Isa naman sa talagang ipinagmamalaki ni Bea sa kanyang van ay ang pagkakaroon nito ng full bathroom with leather door. Isa nga sa pinakaimportante kapag nasa taping ay magbanyo o kaya naman ay maligo. At ang aktres na si Bea ay hindi na problema sa kanya ang paliligo at pagbabanyo kapag oras ng taping dahil meron na siyang bathroom sa kanyang van.

Ibinahagi naman ni Bea na pangarap niya talagang magkaroon ng sariling eroplano, ngunit dahil nga wala pa siyang kakayahang bumili nito, ang naisip niya lang ay gawing airplane inspired ang disenyo ng kanyang taping van kung saan nga ay aakalain na nasa loob siya ng isang eroplano.

error: Content is protected !!