Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ipinasilip ang Kaniyang Beati Firma Chapel at Gym sa Zambales

Noong nakaraan ay ipinasilip ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang farm na Beati Firma. Maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa napakagandang farm ni Bea kaya naman sa kaniyang latest vlog, ibinahagi niya ang mga karagdagang proyekto sa farm na ito. Isa na nga rito ang chapel at gym. Ipinasilip rin niya ang ilang updates dito.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Sa kaniyang chapel tour, inilahad ni Bea na bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyaya na kanilang natatanggap, ipinagawa nila ang munting chapel na ito. Kwento pa niya, mismong ang kaniyang Mama Em ang nagdisenyo ng 40 sqm. na chapel. Dagdag sa kagandahan ng chapel ay ang mga halaman at mga ilaw sa paligid nito.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Gumamit rin sila ng glass windows at doors para dito upang magmukhang malawak ang lugar. Gmelina wood naman ang ginamit para sa mga muwebles sa loob ng chapel habang ang ilan pang kagamitan at imahen ng mga santo ay mula sa mga lokal na suppliers.

Ibinahagi rin ni Bea na sa chapel na ito idinaos ang kanilang misa noong nakaraang pasko. Plano rin ng kaniyang Mama Em na dito idaos ang binyag ng kaniyang mga apo at ang iba pang mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Pagdating naman sa Beati Firma gym, ibinahagi ni Bea na isa sa mga rason ng kanilang pagpapagawa nito ay upang magkaroon ng maayos na lugar ang kaniyang Mama Em habang siya ay nag-eehersisyo.

Kumpara naman sa personal na gym ni Bea sa kaniyang sariling tahanan, mas maliit ang gym na ito ngunit kumpleto naman sa iba’t ibang multi-functional na gym equipments. Kalapit din ng gym na ito ang basketball court ng farm. Gaya rin ng chapel, ang ilang bahagi ng gym ay disenyo ni Mama Em. Kapansin-pansin din ang pagiging organisado ng mga kagamitan rito.

Photo credits: Bea Alonzo | YT

Ibinahagi rin ni Bea ang ilan pang updates sa farm gaya ng bagong piggery at pinyahan. Ayon kay Mama Em, napakarami pa niyang plano at proyekto para sa farm na ito kaya naman masasabing talagang kinakailangan ng sipag at tiyaga sa pagtatayo ng isang farm.

Importante ding tutukan ang lahat ng proyekto dito. Gayunpaman, nakapagbibigay umano ang Beati Firma ng kasiyahan hindi lamang kay Bea at sa kaniyang Mama Em, kundi pati na rin sa kanilang buong pamilya.

error: Content is protected !!