Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ipinasilip Ang Bagong Tayong Chapel Sa Loob Ng Kanyang Napakagandang Farm Sa Zambales

Ang aktres na si Bea Alonzo ay isa nga sa pinakamatagumpay na artista sa industriya ng showbiz. Hindi na nga ito nakapagtataka sa dami ng kanyang mga naipundar na ari-arian na bunga ng kanyang pagsisikap.

Photo credits to the owner

Tila naman puno ng biyaya at saya ang taong 2021 para kay Bea. Magmula nga sa paglipat niya ng network kung saan talagang bumuhos ang mga proyekto sa kanyang karera, hanggang sa kanyang masaya at makulay na buhay pag-ibig ay talagang pinagpala ang aktres. At siyempre hindi rin mawawala ang biyayang hatid sa kanya ng kanyang mapagmahal na pamilya.

Photo credits to the owner

Isa rin sa talagang malaking parte ng 2021 ni Bea ay ang kanyang napakaganda at napakalawak na farm na matatagpuan sa Zambales na kanyang pinangalanang Beati Firma. Kaya naman, bago matapos ang taong 2021 ay hindi pinalampas ni Bea ang pagkakataon na magpatayo ng isang chapel sa loob mismo ng kanyang farm.

Photo credits to the owner

Kaya naman, sa pagdirawang ng kapaskuhan ay talagang kompleto ang pamilya ni Bea at maging pamilya ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque kung saan nga ay magkakasamang nagsimbang gabi sa bagong tayong chapel sa farm.

Sa latest vlog ni Bea na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ay kanyang ipinasilip ang masayang kaganapan sa pagdiriwang ng kapaskuhan ng kanilang pamilya at pamilya ni Dominic. Makikita nga na damang-dama ang paskong Pinoy sa Beati Firma kung saan nga, maliban sa pagkakaroon ng simbang gabi sa bagong tayong chapel, ay nagkaroon rin sila ng mga palarong Pinoy.

Photo credits to the owner

Nagpasadya rin si Bea ng gumagawa ng puto bumbong at popcorn machine na naghihintay sa labas ng chapel matapos ang simbang gabi. Napakasaya naman talaga ng pagdiriwang ng Noche Buena sa farm ng aktres lalo na nga’t sila ay magkakasama. Napuno naman ng tawanan ang malawak na farm dahil sa mga palarong inihanda ni Bea tulad ng Hep Hep Hooray, Trip to Jerusalem, Pinoy Henyo, Category game at marami pang iba kung saan nga ay naghihintay ang malaking papremyo mula sa aktres.

Photo credits to the owner

Hindi rin siyempre nawala ang masasarap na pagkaing kanilang inihanda at pinagsaluhan sa mahabang lamesa. At habang kumakain ay masaya rin siyang nagkukwentohan. Napakaganda ngang pagmasdan ng farm ni Bea ng gabing iyon dahil nagmistula itong maliit na nayon sa ganda ng set up. Hindi naman maikailala na napuno ng saya at kagalakan ang bawat isa sa masaya nilang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Makikita nga sa video na talagang masayang masaya ang mukha ng bawat isa. Kahanga-hanga naman talaga si Bea, dahil ang biyayang kanyang natatanggap ay hindi niya nakakalimutang ibahagi sa iba, lalo na nga sa kanyang mga mahal sa buhay na nagmamahal sa kanya at hindi nagsasawang sumuporta sa kanyang mga pangarap.

error: Content is protected !!