Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Inimbitahan sa Beati Firma Farm ang mga Kapitbahay nilang Aeta at Pinakain ang mga Ito ng Masasarap na Pagkain na Sila Mismo ang Nagluto

Sa pinaka latest vlog ng award-winning actress na si Bea Alonzo ay masaya niyang ibinahagi ang isang napakaka-sayang kaganapan sa kanilang farm sa Zambales, sa Beati Firma, kung saan ay siya at kanyang pamilya ay inimbitahan ang kanilang mga Aeta neighbors sa isang salo-salo .

Mapapanood sa naturang vlog ni Bea ang naging pagprepara at pagluluto nila ng kanyang kapatid at asawa nito na sina James at Thalia, ng masarap na chicken Hamonado at Aroz Valenciana. Makikita na ang tatlo ay nagluto sa outdoor kitchen sa Beati Firma.

Ang masarap na pagkain na niluluto ni Bea, James at Thalia, ay kabilang sa mga ihahain nila sa prinepara nilang salo-salo para sa kanilang Aeta neighbor na kanilang inimbitahan sa Beati Firma para makasama at makisaya sa kanilang pamilya ng araw na ‘yon.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ipinakita naman ni Bea sa kanyang vlog na ito ang nagin paghahanda at pagluluto nila ng chicken Hamonado at Aroz Valenciana, mula sa paghahanda ng mga sangkap nito hanggang sa pagluluto. Kitang-kita naman kana Bea at mag-asawang James at Thalia, kung gaano sila ka-enjoy habang sila ay nagluluto.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Samantala, ng makatapos na sa kanilang pagluluto ay agad na itong inihanda ni Bea para dalhin sa lugar kung saan gaganapin ang munting salo-salo na kanilang inihanda para sa kanilang Aeta neighbors. Kitang-kita naman sa ngiti at pagbati ng award-winning actress sa mga Aeta kung gaano siya kasaya na masilayan ang mga ito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Maliban naman sa nilutong Chicken Hamonado at Arroz Valenciana nina Bea, ay may iba pang mga pagkain silang inihain para sa kanilang Aeta neighbors, katuld na lamang ng spaghetti, fried chicken, cake, at inumin na softdrinks.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Matapos naman kumain, ay tila nagkaroon pa nga ng kasiyahan, dahil masisilayan sa video ang naging masayang pagsasayaw at pagkanta ng mga Aeta, kung saan nakisali din si Bea at kanyang pamilya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Marami naman ang pumuri kay Bea sa mabuting ginawa niyang ito para sa ating mga kababayang Aeta, ngunit hindi pa rin naiwasan ng aktres na magkaroon ng mga basher. Sa kabila nito, ay tunay na kahanga-hanga naman talaga ang ginawang ito ng pamilya ni Bea.

error: Content is protected !!