Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Inamin na Mas Priority niya ang Kanyang Pamilya Kaya Naman Halos 7 Taon Bago Siya Makabili ng kanyang mga Gustong Luxury Bags

Isa nga sa talagang pinaglalaanan ng pera ng mga sikat na artista sa showbiz, ay ang mga mamahaling gamit. Bilang sikat na artista, ay isa ito sa kanilang puhunan upang mas lalo silang hangaan ng kanilang mga tagahanga.




Marami na tayong nasaksihang mga sikat at kilalang personalidad sa showbiz, na ipinagmamalaki ang bunga ng kanilang trabaho bilang artista. May mga koleksyon ng mga mamahaling sapatos, bag, damit at kung anu-ano pa na talagang hahangaan.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Ngunit, hindi namann lahat ng artista, ay inuuna ang makabili ng mga mamahaling kagamitan, dahil may ilan rin namang mas prayoridad ang pamilya kaysa sa sariling interest.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Katulad na lamang nga ng aktres na si Bea Alonzo, na mas prayoridad ang pamilya kaysa sa kanyang sarili. At hindi tulad ng ibang artista na agad na nakakabili ng kanilang nais na gamit, ay halos pitong taon ang hinintay ng aktres na si Bea, upang mabili niya ang nais niyang mamahaling gamit.

Kahit nga isang kilala at sikat na artista sa insdustriya sa showbiz, ay talagang naghintay siya ng halos pitong taon upang makabili ng luxury bag. Matatandaan na sa edad na 14 taong gulang, ay pinasok na ni Bea ang showbiz.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

At nang mga panahong iyon, ay si Bea ang tumatayong bread winner ng kanyang pamilya. Ayon nga kay Bea, noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, ay sapat lamang ang perang kanyang kinikita upang mapunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya naman, mas inuna niya ang pangangailangan ng kanilang pamilya bago ang sarili niyang luho.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Nang medyo tumataas naman na ang sahod ni Bea bilang artista, ay mas inuna naman niya ang pagpapagawa ng bahay ng kanyang ina na si Mary Anne Ranollo. Binigyan rin ito ni Bea ng mapagkakakitaang negosyo. Kahit nga umaabot ng kalahati ng kanyang kita ang naibibigay niya sa kanyang ina, ay masaya naman ang aktres dahil nakikita niyang masinop at mapagkakatiwalaan sa pera ang kanyang ina.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

At nang maibigay na ni Bea ang pangangailangan ng kanyang pamilya, at matiyak na masaya na ang mga ito sa kanyang ibinigay, ay doon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong mabili ang kanyang mga luho. Pagbabahagi nga ni Bea, ay pitong taon bago niya nabili ang kauna-unahang luxury bag.




Inamin naman ni Bea, na ang mga ginagamit niyang bag noon ay mula sa kanyang mga sponsors sa mga endorsement na kanyang ginagawa. Makikita na magaganda at kalidad rin ang mga ito, kung kaya’t ito na lang muna ang kanyang mga ginamit.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Masaya rin si Bea na sa kabila ng kanyang sakripisyo at pagtitiis, ay nagbunga rin ito dahil naging matagumpay naman ang negosyo ng kanilang pamilya. Isang bagay naman ang natutunan ni Bea sa buhay mula sa kanyang ina. Ito nga ay ang mag-ipok at mag-ipon ng savings upang may madudukot pagdating ng panahon.

At ngayong panahon nga ng pandemya, kahit walang masyadong proyekto ang aktres, ay nakakaraos ang kanilang pamilya sa pagharap sa pang-araw araw na gastusin.

Isang bagay nga na napakahaga sa buhay, ang magkaroon ng ipon at mag-impok nang sagayon ay may madudukot pagdating ng panahon, lalo na sa hindi inaasahang panahon tulad ng sakuna at pandemya.

error: Content is protected !!