Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ibinida ang Masarap na Recipe ng Kanyang Ina na Pork Binagoongan na Lagi niyang Ni Lolook Forward Uwian sa Kanilang Farm

Ang aktres na si Bea Alonzo ay isa sa pinakasikat at pinakakilalang artista sa industriya ng showbiz. Ngunit, sa kabila ng pagiging abala sa kaliwa’t kanang proyekto, ay hindi naman nakakalimutan ng aktres ang kanyang mga hilig gawin.

Isa na nga rito ang pagluluto ng mga masasarap na putahe o kaya naman ay iba’t ibang klase ng pagkaing Pinoy. Maliban nga sa kanyang mga travel, at masasayang kaganapan sa kanyang buhay, ay ibinabahagi rin ni Bea sa kanyang YouTube channel ang kanyang masarap na luto.

Sa kanyang vlog na Bea’s kitchen, ay marami ngang matutunang luto mula sa aktres na talaga namang napakasarap. At kamakailan lamang nga, sa kanyang latest vlog, ay ibinida ni Bea ang napakasarap na recipe ng binagoongan ng kanyang ina na si Mary Ann, o kilala rin bilang Madam M.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ayon nga sa aktres, ang binagoongan ay isa sa pinakapaboritong ulam ng kanilang pamilya at ang recipe nga ng kanyang ina ay talagang maipagmamalaki niya dahil napakasarap nito. Kaya naman, hindi pinalampas ni Bea na ibahagi sa kanyang mga fans ang paraan kung paano lutuin, at kung ano ang mga sangkap nito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ang pagluluto ng binagoongan, ayon naman kay Bea ay maproseso dahil mahaba ang oras para iprepara ito, ngunit kapag nga naluto, ay sulit na sulit naman ang sarap na hatid nito. Bago nga magluto ni Bea ng binagoongan, ay ipinakita muna ng aktres kung pano niyang inihanda ang slab ng liempo para maging maluto ito. At ang sekreto nga para sa crispy lechong kawali, ay ang paglalaga muna ng baboy gamit ang mga sangkap tulad ng paminta, asin at bay leaves. Ayon pa sa aktres, ay mahalaga na bago ideep fry ang liempo ay pakuluan muna ito, ibalot sa foil at ilagay sa freezer para kapag niluto ay talagang napakacrispy.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa pagsisimula ng pagluluto ng aktres ay ipinakita naman niya ang mga sangkap na gagamitin gaya ng kamatis, sibuyas, bawang, siling panigang at ang bagoong na siyang pinakaimportante sa lahat.

Naikwento naman ni Bea ang mga nakakatuwang karanasan niya sa tuwing magbubukas ng ref at makakita ng lagayan ng ice cream na pag-aakalay ice cream, pero pagbukas nga ay naglalaman pala ng isda.

Sinimulan naman ni Bea ang pagdeep fry sa liempo, habang niluluto naman niya ang bagoong. Sinimulan ng aktres ang pagluluto sa paggisa ng sibuyas at bawas, sunod naman ay kamatis na ayon kay Bea, ay mas masarap ang bagoong kapag maraming kamatis. Matapos namang mailagay ang bagoong ay inilagay na niya ang siling panigang.

Nang maluto naman ang lechong kawali ay maingat naman niya itong hinango at hiniwa. Sa huli nga ay ginawa naman ni Bea ang plating ng binagoongan na talaga namang nakakatakam. Sa pagtikim nga ni Bea sa kanyang niluto, ay kitang-kita naman kung gaano ito kasarap, at tiyak na mas masarap nga kapag may kasamang kanin.

error: Content is protected !!