Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ibinahagi Ang Paglalagay Ng Mga Dekorasyon sa Christmas Tree Sa Kanilang Farm House

Tila excited na rin ang aktres na si Bea Alonzo sa papalapit na pagdating ng kapaskuhan. At bago nga dumating ang araw ng pasko, ay tiniyak naman ni Bea na magkaroon ng Christmas tree ang kanilang pamilya sa loob ng kanilang tahanan.

Sa ngayon ay sa kanyang napakaganda at napakalawak na farm sa Zambales tumutuloy si Bea kung saan nga ay mayroong farm house ang kanilang pamilya. Para naman damang-dama ang diwa ng kapaskuhan sa farm house, ay naglaan si Bea ng oras sa paggawa ng Christmas tree. At ito nga ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga.

Ayon naman kay Bea, ang Christmas tree na kanyang lalagyan ng dekorasyon ay taong 2008 pa nasa kanyang pangangalaga. Kung kaya’t ilang taon na rin niya itong ginagamit hanggang sa ibigay na niya ito sa kanyang ina at mapunta na farm house. Dagdag pa ng aktres, ay mahalagang ingatan at itago ng maayos ang tree sa storage room para sa mga susunod na taon ay magamit pa ito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Nakasama naman ni Bea sa paglalagay ng mga dekorasyon sa Christmas tree ang kanyang napakacute na pamangkin na si Santi. Para naman sa theme ng kanyang gagawing Christmas tree, ay pinagsamang silver, gold at white ang napili ng aktres. Ito nga ay dahil nais niyang magkaroon ng rustic glam ang dating ng Christmas tree sa kanilang farm house.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Habang unti-unti namang naglalagay ng mga dekorasyon sa Christmas tree si Bea ay nagbibigay rin siya ng tips kung paanong makatipid sa kuryente at kung paanong ingatan ang mga dekorasyon para muling magamit sa susunod na taon.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Una nga ay ang pag-aayos ng Christmas lights, na ayon kay Bea ay dapat gumamit ng tali para hindi magdikit at masira ang bombilya. Mahalaga rin raw na bumili ng gagamiting Christmas lights sa lehitimong supplier para makatiyak na matibay at ligtas sa kapahamakan.

Sa paglalagay naman ng Christmas lights ay nagbigay rin ng tips si Bea kung paano makakatipid sa kuryente pero magmumukha paring maganda ang Christmas tree. Sa paglalagay naman ng mga dekorasyon sa Christmas tree, ay tiniyak naman ni Bea na pantay o proporsyon ang mga ito upang magandang pagmasdan. At upang makita nga kung maayos na ito, ay dapat umanong tingnan ito sa malayuan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

At nang matapos na nga ni Bea ang paglalagay ng mga dekorasyon sa Christmas tree, ay talaga namang masisilayan ang isang napakagandang Christmas tree. Hindi naman maikakaila ang natatagong talento ni Bea sa paglalagay ng dekorasyon. At tila nga sa bawat taon na ginagawa ito ng aktres, ay nakabisado na niya ang paglalagay ng disenyo sa Christmas tree.

error: Content is protected !!