Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ibinahagi ang mga Paboritong Lugar na Pasok sa Kanyang Top 10 Travel Destinations

Ang hindi inaasahang pagdating ng pandemya na nararanasan ng buong daigdig, ay nagdulot ng matinding suliranin sa marami. Bukod nga na nararanasang krisis, at kahirapan sa buhay matapos mawalan ng trabaho ang ilan, ay nagkaroon rin ng mga travel restrictions upang limitahan ang biyahe para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

Dahil dito, ay marami ang nalungkot sapagkat hindi makakauwi sa kani-kanilang lugar para makasama ang kanilang pamilya. At siyempre, hindi rin makakapagbakasyon ang nais magtungo sa ibang bansa upang mag-enjoy at magrelaks.

Sa loob ng mahigit isang taong nasa quarantine, ay talaga namang nakakamiss mag-travel sa magagandang lugar kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Katulad na lamang ng mga sikat na celebrities sa showbiz na nakasanayan na ang pagbabakasyon sa ibang bansa.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

Isa na rito ang aktres na si Bea Alonzo, na talagang miss na miss na ang magtravel abroad. Kaya naman, sa kanyang latest vlog ay ibinunyag ni Bea ang kanyang top 10 travel destinations at masaya rin niyang binalikan ang kanyang masayang bakasyon sa mga napuntahang lugar.

Bungad ni Bea sa kanyang latest vlog, habang nagbra-browse siya ng kanyang nga old photos at nakita ang kanyang mga travel photos, ay bigla na lang niyang namiss ang pagtatravel. Isa rin sa talagang namiss ng aktres, ay ang makasalamuha ang ibang tao, matutunan ang kultura ng mga ito, at matikman ang mga ipinagmamalaking putahe ng bawat lugar.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

“I just miss meeting new people, being able to learn about different cultures, being able to try new cuisines.”

Sa bawat napupuntahang bansa naman ni Bea, ay nakakabuo siya ng masayang alaala, at bagong experience na talaga namang dadalhin niya sa kanyang pagtanda. Ilan naman sa mga paboritong lugar na pasok sa top 10 travel destinations ni Bea ay Paris, Dubai, Prague, Germany, Denmark, Amsterdam, Japan, Vienna, Norway at Italy.

Sa kanyang vlog, habang nagkukwento ay ipinakita naman ng aktres ang kuha ng mga larawan ng kahanga-hanga sa gandang mga lugar at video ng masaya niyang bakasyon sa kanyang mga napuntahang lugar.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

Kapansin-pansin naman na habang nagkukuwento, ay makikita sa mukha ni Bea na talagang damang-dama niya ang saya, habang binabalikan niya ang mga masasaya niyang karanasan sa kanyang bawat destinasyon.

Isa naman sa hindi makakalimutan niyang bakasyon ay nang magbakasyon siya sa Dubai kasama ang kanyang ina na si Mary Ann kung saan ay naging life saver nila ang aktor na si John Lloyd Cruz dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kwento nga ni Bea, ay natukso silang mag-ina na bumili ng mamahaling alahas gamit ang lahat ng pera nila na gagamitin sana sa panggastos nila habang nasa Dubai. Dahil dito, ay napilitan silang magpalibre kay Lloydie sa loob ng isang linggo habang nananatili sa Dubai. Nilinaw naman ng aktres na pagdating nila ng Manila ay binayaran nila ang aktor sa mga nagastos nito sa kanilang mag-ina.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

Samantala, ibinahagi naman ni Bea na kapag matapos na ang nararanasang pandemya sa buong mundo, ay talagang susulitin niya ang makapagtravel sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan tulad ng Switzerland, Greece, Turkey, Vietnam, Iceland, at Finland.

Credit : Bea Alonzon | Youtube

“I you were to ask me where I would go after this whole pandemic, I would go visit Switzerland, Greece, Turkey, Vietnam, Iceland, Finland and go to Santa Village. Kine-claim ko na, matapos na ‘to so we can all move on and you know, see the world again and go back to our normal lives again.”

error: Content is protected !!