Connect with us

Entertainment

Bea Alonzo, Ibinahagi Ang Kanyang Masayang Bakasyon Spain, Madrid

Nito lamang ika-14 ng Marso ay masayang ibinahagi ng award-winning actress na si Bea Alonzo ang kanyang pag-alis ng bansa patungong Spain, Madrid. Matagal na ring hindi nakakabisita sa ibang bansa ang aktres para magbakasyon.

Photo Credits: Bea Alonzo | IG

Kaya naman kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ng 34 taong gulang na aktres ang kanyang travel kung saan nga ay mababakas ang kanyang excitement. Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi niya ang magkakasunod na larawan ng kanyang pag-alis ng bansa.

Sa caption ng kanyang post, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement, dahil ang huli niyang biyahe at pagbisita ng Europe ay noong 2019 pa. Ipinangako naman ni Bea sa kanyang mga tagahanga na ibabahagi niya sa mga ito ang iba pa niyang mga larawan. Tinapos naman ni Bea ang kanyang post sa mga katagang “Bye for now, Manila”.

Photo Credits: Bea Alonzo | IG

“and I’m off to Madrid! Kitang-kita n’yo ba ‘yung excitement ko? It’s been a long time since I’ve boarded an international flight, and the last time I was in Europe was in 2019 pa.”

“I’ll be sharing pictures soon. Bye for now, Manila!”

Samantala, sa kanyang Instagram stories naman ay makikitang ibinahagi naman niya ang larawan ng paghatid sa kanya sa airport ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Nilakipan naman niya ito ng caption, kung saan nga ay sinabi niyang mamimiss niya si Dom lalo na nga’t hindi niya kasama sa kanyang pag-alis ang kanyang nobyo.

Photo Credits: Bea Alonzo | IG

“I’ll miss you dominicroque. It feels weird leaving Manila without Dom. Bye for now, Manila,”caption ni Bea.

Bago naman tuluyang umalis ng bansa, ay nakunan naman ni Dom ng video ang kanyang girlfriend na si Bea habang nasa airport.

“Bye for now… beaalonzo,”caption naman nga aktor.

Ang magkasintahang Bea at Dominic ay hinahangaan ng publiko dahil talaga namang bagay na bagay sila sa isa’t isa. Patuloy nga ang paghahatid nila ng kilig sa kanilang mga tagahanga. Madalas namang ibahagi ng celebrity couple sa kanilang mga tahanga ang kanilang masaya at nakakakilig na bonding moments.

Photo Credits: Bea Alonzo | IG

Matatandaan nga na noong nakaraang taong 2021, ay unang nagbakasyon ang magkasintahan sa United States. Makikita naman sa social media accounts ng magkasintahan ang pasilip sa masaya nilang US trip. At makikita nga na talagang nag-enjoy ang dalawa sa masaya nilang bakasyon. Makikitang walang pinalampas na sandali ang dalawa para bisitahin ang magagandang lugar sa US.

Photo Credits: Bea Alonzo | IG

Ang matamis na pag-iibigan ng magkasintahang Bea at Dom ay nagsimula noong nakaraang taong 2021 buwan ng Abril. Ngunit, noong buwan ng Agosto ng kaparehong taon nang ito’y kumpirmahin ni Bea sa isang panayam.

error: Content is protected !!