Batikang Aktres Na Si Claudine Barretto Binigyan Ng ‘Christian Louboutin Shoes’ Ang Batang Aktres Na Si Francine Diaz

Nakakatuwang isipin kung gaano talaga kaseryoso ang mga artista sa harap ng camera subalit sa likod naman ito ay sama-sama silang nagbibiruan at nagtatawanan. Pagkatapos ng bawat take ang hindi maiwasang mga nakakatawang mga bloopers ng mga hindi sinasadyang pagkakamali sa bawat eksena.

Sa kabilang banda, nakakamanghang isipin na ang mga artista pala ay nagagawa ding idolohin ang bawat isa. At hindi hadlang ang kasikatang narating upang hindi magawang hangaan ang mga bago at susunod na henerasyon ng mga bagong artista.



Kamakailan lang ay nagkaharap na ng personal ang premyadong aktres na si Claudine Barretto at ang 15 taong gulang na batang aktres na si Francine Diaz sa isang salu-salo sa bahay ng magaling na aktres. At naging posible ang bagay na iyon sa tulong ng dating Kapamilya na si Bianca Lapus na naging daan upang magkita sila,

“We visited @claubarretto late last night after @francinesdiaz attended the ABS-CBN trade launch even though it was late already. When I told her and her sisters and mom that Claud really wanted to meet Chin, they immediately said yes bilang favorite nila si Clau and her movie #Anak“, sabi pa ng “Bedtime Stories” cast.

View this post on Instagram

We visited @claubarretto late last night after @francinesdiaz attended the ABSCBN trade launch even though it was late already when i told her and her sisters and mom that Clau really wanted to meet chin, they immediately said yes bilang favorite nila si Clau and her movie #Anak and to our surprise nag handa talaga si clau ng food and eto na nga ang biggest surprise of all…. My very sweet and generous besty, out of nowhere asked Chin her shoe size and said ok wait…. pagbalik (sayang diko navideo yun kasi maski ako nagulat haha.) while clau was walking towards us i remembered those shoes! those are the #LOUBOUTIN pair she used for her recent metro mag shoot bagong bago at walang kaabog abog binigay kay Chin. It may be a small thing to others but the kind gesture Claudine did for a well deserved rising star like Francine and for her to take time out to visit just to make clau smile is such a precious moment. Sana makapag work sila soon . 🙏❤🙏#TheOptimumstar #claudinebarretto #francinediaz

A post shared by Lalaine Bianca Lapus (@biancalapus) on

Samantala, hindi inaasahan ni Bianca ang sumunod na pangyayari dahil talagang pinaghandaan ng “Mula sa Puso” aktres ang nasabing pagkikita nila ng batang aktres naghanda ito ng pagkain.



Sa kabilang banda higit na naging special ang gabing iyon ng ibigay ni Claudine ang mamahaling sapatos na isinuot niya ng mag-photoshoot siya sa Metro Magazine.

Ayon pa sa “Gone” aktres hinahangaan talaga ng kaibigan niya ang batang aktres dahil sa galing nito sa kanyang pagganap bilang ‘Cassie Mondragon’ ng teleseryeng “Kadenang Ginto”.

Samantala masayang masaya naman si Bianca sa nagawang pabor nila Claudine at Francine sa isa’t isa,

“It may be a small thing to others but the kind gesture Claudine did for a well-deserved rising star like Francine and for her to take time out to visit just to make Clau smile is such a precious moment. Sana makapag-work sila soon” pahayag pa ni Bianca.

Sa kabilang banda labis labis ang pasasalamat at paghanga ng Kapamilya Gold Squad artist sa “Etiquette for Mistress” aktres, “Mas lalo pa ako humanga sainyo nung nakita ko po kung gaano kayo kabait… Love yu mama loves see you soon” share pa ni Francine.