Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Andrea Brillante Ipinasilip Sa Fans Ang Ipinapatayong Bahay Para Sa Pamilya

Published

on

Sino ba ang hindi tataas ang kilay kapag nakita mo ng apihin niya si ‘Cassie’? Talagang magagawang pag-initin niya ang ulo mo at damang dama mo ang emosyon niya sa sinumang kanyang maka-eksena. Patunay lamang na talagang maituturing na rin siyang isang magaling na artista sa kabila ng murang edad niya.



Sino Siya??Siya lamang ang nag-iisang ‘Marga Mondragon’ ng primetime Kapamilya Teleserye na “Kadenang Ginto” na talaga namang patok na patok ngayon mapabata man o matanda.

Photo credits: blythe | Instagram

Ang labing anim na taong si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza na mas kilala natin bilang Andrea Brillantes, isang singer at aktres na bumihag sa puso ng mga manunuod lalong lalo na ng mga Kapamilya.

Mula sa pagiging child actress sa comedy show na Going Bulilit at sa kanyang Big Hit Primetime series na Annaliza, tunay na ngang malayo na ang narating ng batang aktres.

Photo credits: blythe | Instagram

Sa kabila ng pagiging bata sa larangan ng pag-arte sa showbiz, hindi ito naging hadlang kay Andrea upang matakot at hindi makayang makipagsabayan sa mga premyadong aktres tulad ni Dimples Romana, Beauty Gonzales at Albert Martinez.



Sa kabila ng ginagampanang role, na talagang tumatatak sa kanyang mga tagahanga. Diumanoy hinahangaan din siya pagdating sa personal niyang pamumuhay. Dahil bukod sa galing sa harap ng kamera, marunong din si Andrea na imanage ang bawat perang dumadaan sa kaniyang kamay.

Sa katunayan, kamakailan lang pinasimulan na niyang ipatayo ang bagong tirahan para sa kanyang pamilya.

Makikikita nga sa kanyang Instagram ang mga litrato ng under construction na tahanan na bunga ng pagtitiyaga. Ibinahagi niya ang mga kuha ng kanyang tatlong palapag na bagong bahay, mula sa kusina at hapag kainan, ang malaking living room na na matatagpuan sa unang palapag nito. Ipinasilip din niya ang bagong tulugan ng kanyang mga kapatid at ang para sa kanyang minamahal na nanay.

Kagaya ng ginagampang role bilang Marga, priority talaga niya ang Pamilya At ayon pa nga sa magandang batang Kapamilya Artist pasimula pa lamang ito at marami pa siyang plano para sa pamilya na itinuturing niya na inspirasyon sa buhay.

Photo credits: blythe | Instagram

Sa lahat ng mga dumarating na proyekto at endorsements taos puso siyang nagpapasalamat sa Diyos, sa mga tagahanga na hindi nagsasawang sumuporta sa kanya mula pa ng magsimula siya sa showobiz at sa mga taong nasa likod ng tinatamasang mga pagpapala at tagumpay.



Photo credits: blythe | Instagram

At dahil dito talagang ibinabalik ni Andrea ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong husay n a pagganap sa bawat role na sa kanya ay ipagkakatiwala.

error: Content is protected !!