Hindi natin maalis ang katotohanan na madaling maakit ang mga bata sa mga makulay na bagay o kaya naman hayop. Kaya naman may mga pagkakataon na ang kanilang mga nahahawakang bagay ay nakapagbibigay na pala sa kanila ng kapahamakan.
Tulad nalang ng nangyari sa isang bata na walang muwang at muntik ng mapahamak dahil sa muntik niya ng hawakan ang isang bagay na isa palang napaka delikadong nilalang.
Napansin ng batang babaeng ito ang isang makulay na hayop na palutang lutang sa may dalampasigan habang namamasyal sila ng kanilang ama.
Dahil walang kamuwang muwang ang bata kung ano nga bang uri ng hayop ito nilapitan niya ito at tinangkang hawakan, buti na lang ay nakita siya agad ng kanyang ama at agad itong pinigilan.
Sa unang tingin palang ng ama ng batang babae ay alam niya na agad kung anong uri ng hayop ito, at ng lapitan niya ito at suriin doon niya napatunayan na tama ang kanyang duda na isa itong “monk jellyfish” isang uri ng dikya na may taglay na lason na pwedeng makamatay sa sino mang madikitan nito.
Napagalaman din na ang dikyang ito ay may mahabang galamay na umaabot sa 90 sintemetro na nagdadala ng makamandag na lason na may kakayahan kumitil ng buhay ng isda o di kaya naman ng tao.
Buti nalang at agad napigil ng ama ang kanyang anak na hawakan at lapitan ng husto ang dikyang ito dahil kahit hindi pa nahahawakan ng anak niya ang dikya ay pwede parin ito malason dahil sa mga mahahaba nitong galamay.
Gumamit ang ama ng isang mahabang kahoy upang kunin at ibalik sa dagat ang dikya upang hindi na disgrasya ng ibang tao.
Ayon sa mga eksperto, ang taong natusok ng ganitong uri ng jellyfish ay maaaring makaranas ng matinding problema sa paghinga, pagkawala ng malay, pagbulusok ng presyon sa dugo, at pananakit sa katawan. Maaari din na bumagsak at humina ang baga ng taong nakahawak sa hayop na ito na posibleng maging sanhi ng kamatayan.
Maaaring matagpuan ang napakaraming bilang ng Monk Jellyfish sa Kenting ng Taiwan.
Kaya kung kayo ay makakakita man ng ganitong uri ng dikya sa dagat, mas masmabuting huwag niyo nalang ito hawakan at agad ilayo sa dalampasigan upang hindi makapahamak ng ibang tao.
Nabighani ba kayo sa makulay pero napakadelikadong dikya na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.