Connect with us

Entertainment

‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan’: Melai Cantiveros, Wais Pagdating sa Usaping Pera

Ang isa sa Pinoy Big Brother Winner na si Melai Cantiveros, ay malaki ang nabago sa buhay matapos itanghal na panalo sa season ng PPB: Double Up. Ngunit, sa kabila ng maalwan na pamumuhay, ay masasabing wais pa rin si Melai pagdating sa usaping pera.

At kamakailan nga sa vlog ng aktor na si Enchong Dee, ay inihayag ni Melai ang kanyang pananaw sa buhay pagdating sa pagtulong sa kanyang mga kamag-anak, lalo na pagdating sa pera. Sa nasabing panayam nga, ay sinabi ni Melai na hindi siya nagbabayad ng tuition fee ng anak ng kanyang mga kamag-anak.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Nilinaw naman si Melai ang dahilan bakit hindi niya ito ginagawa. Ayon kay Melai, magmula ng kumita siya sa showbiz, ay talagang inenjoy niya ang perang kanyang pinaghirapan. Katulad na lamang nga ng pagbabakasyon sa magagandang resort kasama ang kanyang mga barkada.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Ngunit, ang lahat ng ito ay nagbago ng makapag-asawa siya at magkaanak, dahil nabago na rin ang prayoridad niya sa buhay. Ngayon ngang may anak na sila ng kanyang asawang si Jason Francisco, ay mas pinagtutuunan ng pansin ni Melai ang mag-ipon, at gamitin ang pera sa investments.

Pagbabahagi naman ni Melai, ay hindi rin siya maluhong tao. Ang mas mahalaga raw kay Melai ay ang mga moments at masasayang experience kasama ang pamilya. Ito talaga ang pinag-aaksayahan niya ng oras at pera.

Kaya naman, kapag humihingi umano sa kanyang ang kanyang mga kamag-anak para sa tuition ng mga anak nito, ay hindi niya pinagbibigyan.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, (sasabihin ko) ‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan,” diretsahang sagot ni Melai.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Para nga sa komedyante, ay dapat umanong maghanap ng trabaho o mapagkakakitaan upang mapunan ng mga ito ang mga responsibilidad sa kani-kanilang pamilya.

“Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family.”

“Kunwari nagtatrabaho si Ate. Dapat nagtatrabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, sasabihin ko, ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Manginig ka talaga, partner,” paliwanag ni Melai.

Photo credits: Melai Cantiveros | IG

Ngunit, paglilinaw naman ni Melai kapag usapang bakasyon at bonding moments ay dito na nga siya maglalabas ng pera upang makapagbakasyon at makasama ang mga kamag-anak.

“Kapag umuwi ako ng GenSan sa December, i-prepare n’yo na ang bag n’yo kasi hindi na kayo makaka-stay sa bahay n’yo. Kasi pupunta kami ng Davao, pupunta kami ng Bohol. Ako lahat ‘yan.”

Para kay Melai, ay mahalaga na alam mo ang responsibilidad na pinasok mo para hindi na kailangan pang lumapit sa kaanak upang humingi ng tulong. Ipinaliwanag naman ni Melai na naiintindihan siya ng kanyang mga kamag-anak sa tuwing tumatanggi siya sa hiling ng mga ito.

“Kaya kapag responsibilidad mo, responsibilidad mo ‘yan. Kasi pinasok mo ‘yan. Hindi pwedeng ako ‘yan.”

error: Content is protected !!