Connect with us

Entertainment

Baron Geisler Excited na maging Ama sa kanyang ‘It’s a Baby Girl’ at Ibinahagi ang Sonogram nito sa mga Netizens

Published

on

Matagal ding nawala sa show business si Baron Geisler ang hindi alam ng karamihan na ito ay pumasok pansamantala sa rehabilitation center para ayusin ang kanyang sarili at magbagong buhay. Bago pa man tumigil pansamantala si Baron sa pag-aartista ay sunod sunod muna ang mga kaso na ikinaharap nito.

Taong 2018 ng muling makita si Baron sa telebisyon at sa parehong taon din lumabas ang balita na nagbagong buhay na ito at mayroon na din siyang kasintahan. Si Jamie Evangelista ay isang psychologist sa isang rehabilitation center kung saan si Baron ay pansamantalang nakaconfine. Doon nakilala ni Baron si Jamie at doon narin nagsimula ang pagtitinginan nila sa isat-isa na nauwi nga sa pagiging magkasintahan.



Ayon sa isang interview kay Baron, itinuturing daw nito na “God’s gift” si Jamie sa buhay niya dahil ito daw ang tumulong sa kanya para magbagong buhay at maging mabuting tao. Dagdag pa niya na,

“I’m very blessed to have her in my life kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress, but I am striving to be the best version of myself. Without God by my side and without her, I cannot make it”.

Hindi nga nagtagal at niyaya na rin ni Baron si Jamie na magpakasal at nitong Setyembre nga ng kasalukuyang taon ay ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding ceremony na ginanap sa Quezon City.

Makalipas ang isang buwan ng kasal si Baron at Jamie, ay masayang ibinalita ni Baron sa mga netizens at sa mga fans nya na magiging tatay na siya at ipinakita nga nito ang sonogram ng sanggol na nasa sinapupunan ni Jamie. Bukod sa balita ng pagdadalang tao ni Jamie ay ibinahagi na din ni Baron ang kasarian ng kanilang magiging anak na kung saan ito ay isang babae.



Ayon kay Baron,

“With a grateful heart, I introduce our lil’ princess beanie, Talitha Cumi, Coming out in February 2020.”

Humingi rin si Baron ng panalangin para sa kanyang mag-ina na sana maging maayos ang pagbubuntis nito hanggang sa makapanganak ito sa kanilang magiging anak. Bukod sa panalangin ay humingi na si Baron ng mga payo kung paano maging mabuting ama.



. Ayon sa post ni Baron,

“Please help me pray for mommy and baby’s health and safe delivery. I also appreciate any typos on parenting. God Bless! Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!”.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa post ni Baron kaya madami rin ang nagpaabot ng panalangin at magagandang mensahe dito. Nagpasalamat naman si Baron sa mga netizens na nag-abalang magabot ng dasal at batiin siya dahil magiging ama na siya kaya naman kanya itong sinagot ng “Thank you for the well wishes and blessings! Jamie and I appreciate it so much! Spread the Love!!.

Talaga namang napakalambing ni Baron sa kanyang asawa at bakas talaga dito na sabik na sabik na siyang makita ang kanyang anak. Congrats at malapit ka ng maging tatay Baron!

source: virtualpinoy

error: Content is protected !!