Connect with us

Entertainment

Barbie Imperial, Napagsabihan Ng Ina Ni Diego Loyzaga Na Si Teresa Loyzaga Dahil Lagi Umanong Nakatambay Sa Bahay Ng Aktor Para Bantayan Ito

Marami ang nakaabang sa kahahantungan ng relasyon ng aktor na si Diego Loyzaga at aktres na si Barbie Imperial. Matatandaan na noong nakaraang taong 2021, sa pagsalubong ng taon ay isinapubliko nga ng dalawa ang kanilang relasyon. At noong ika-12 ng Disyembre 2021, ay masaya pa nilang ipinagdiwang ang kanilang 1st anniversary.

Photo credits: google.com

Ngunit, nitong mga nakaraang araw ay nagulat ang publiko matapos mapabalita ang paglipad ni Diego patungong U.S, nang hindi kasama si Barbie. At kasunod nga dito ay ang pagsabog ng balita na hiwalay na umano ang dalawa. Agad naman ngang napukaw ang interes ng madla sa kung anong nangyari sa relasyon ng dalawa.

Photo credits: google.com

At kamakailan lamang nga sa vlog ni Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang Youtube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update” , ay may ibinulgar siya tungkol sa relasyon ng dating magkasintahan na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media. Pagbubunyag nga ni Ogie, ay napagsabihan daw si Barbie ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga dahil sa madalas na pagtambay ng aktres sa bahay nila.

Photo credits: google.com

Isa pang pasabog ang ibinunyag ni Ogie sa kanyang vlog kung saan nga, ay may nakapagsabing source na malapit sa kanya na nakakasakal umanong karelasyon ang aktres na si Barbie. Kwento nga ni Ogie, noong nasa Pilipinas pa daw Diego, ay madalas na nakatambay si Barbie sa bahay ng aktor para bantayan ito.

“Kasi medyo nakakasakal din daw itong si Barbie Imperial, sabi sa akin ng source ko. Na nung si Diego raw ay naririto pa, wala pa sa U.S., eh talaga raw laging nasa bahay ni Diego si Barbie. Binabantayan si Diego.”

Ibinunyag rin ni Ogie na dahil sa pagtambay ni Barbie ng halos araw-araw sa bahay ng aktor, ay napagsabihan pa ito ng ina ni Diego na si Teresa na tila ba pinapauwi na sa kanilang bahay.

“Iha, wala ka bang ibang gagawin, baka may iba ka pang trabaho… parang gano’n. So in short, parang gusto na siyang pauwiin. Kasi nga nandoon sa…. nakababad sa bahay nila,” ani Ogie.

Matatandaan naman na nito lamang ika-5 ng Pebrero nang makapanayam ang aktres na si Barbie sa TV Patrol na umere noong Biyernes, ay sinabi nito na uunahin na muna niya sa ngayon ang kanyang sarili, ang magpokus na lamang sa “self-love”. Diretsahan ring inamin ng aktres, na marahil raw ay nasa kanya ang mali.

Photo credits: google.com

Hindi man nga diretsahang kinumpirma ng aktres ang kanilang paghihiwalay ni Diego ay sapat na ang makahulugang kasagutan ng aktres na nagtapos na nga ang relasyon nilang dalawa. Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kinahinatnan ng relasyon nina Barbie at Diego. Hindi naman maiwasan ng marami nilang mga tagahanga ang malungkot sa kanilang paghihiwalay.

error: Content is protected !!