Connect with us

Entertainment

Barbie Imperial, Nagmistulang Real-Life Barbie Doll sa Kanyang Birthday Photoshoot sa Sobrang Ganda

Hindi lamang pinahanga, kundi pinabilib rin ng aktres na si Barbie Imperial ang kanyang 6.4 million Instagram followers sa kanyang taglay na kagandahan sa kanyang birthday photoshoot.

Credit: Niceprint Photography | Instagram

Nito lamang ika-1 ng Agosto ay1 masayang ipagdiwang ng Kapamilya star na si Barbie Imperial ang kanyang ika-23rd birthday. At para sa espesyal na selebrasyon sa buhay na ito ni Barbie ay isang birthday photoshoot ang kanyang ginawa.

Hindi naman na maikakaila na sadyang taglay na ni Barbie ang maganda at maamong mukha, ngunit sa kanyang birthday photoshoot, ay mas lalo niyang pinahanga ang kanyang mga tagahanga sa kanyang kagandahan matapos magmistulang isang real-life Barbie doll sa sobrang ganda.

Credit: Niceprint Photography | Instagram

Isa sa mga naging theme ng birthday photoshoot ng aktres, ay isang Barbie inspired photoshoot na isinakatuparan ng mahusay na celebrity photographer na si Shaira Luna.

Sa caption naman ng kanyang post ay mababakas naman ang positibong pananaw ni Barbie sa kanyang buhay bilang isang “Barbie doll”.

“You can be anything! Be your own doll, be who you want to be, and live your dream. Let your colorful imagination blossom into a bouquet of playful possibilities. I am Barbie.”

Credit: Niceprint Photography | Instagram

Samantala, ang event planner naman na La Belle Fete na siyang nagbigay kulay at nagdisenyo sa Barbie doll inspired photoshoot ni Barbie, ay inilarawan ang mga napakagandang kuha ng larawan ng aktres bilang “pinnacle of Barbie’s birthday shoot”, as it “encapsulates the birthday of a Barbie doll.”

Sa nasabing post ng event planner sa Instagram, ay napuno ng paghanga ang caption ng post para kay Barbie na kung saan nga, ay taglay ang kahanga-hangang kagandahan na tila isang buhay na Barbie doll. Samantala, masusi namang ipinaliwanag sa nasabing post ang positibong pananaw ni Barbie sa kanyang buhay para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Credit: Niceprint Photography | Instagram

“Barbie portraying Barbie, she is not only an effervescent memory of childhood but an icon of beauty, a symbol of glamour, and a role model.”

Makikita naman talaga na napakaganda ni Barbie sa kanyang blonde na buhok, na binagayan pa ng pink dress na fit na fit sa kanyang katawan na nagpalutang ng kanyang kaseksihan. At kung pagmamasdan nga, ay aakalain na isang buhay na Barbie doll ang aktres sa taglay nitong kagandahan at kaseksihan.

Credit: Niceprint Photography | Instagram

“Each set evokes empowerment – no matter the dresses Barbie wears or what role she portrays. ‘You can be anything!’ Barbie believes that if you set your heart into something and work hard for it, the fantasy will become a reality; the lioness in you will roar with courage, and you will celebrate life to the fullest.”

Tila naman masayang-masaya si Barbie sa pagdiriwang ng kanyang birthday ngayon kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. At base sa latest post ng aktres sa social media, ay makikitang masayang ipinagdiwang ni Barbie ang kanyang 23rd birthday sa Boracay kasama ang kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. Kasama rin ng magkasintahan sa pagdiriwang ang pamilya ni Barbie at ilan nilang malalapit na kaibigan.

error: Content is protected !!