Connect with us

Entertainment

Barbie Imperial, Muling Nakatanggap ng Isang Romantikong Sorpresa sa Boyfriend Niyang si Diego Loyzaga

Sa naging katatapos lamang na selebrasyon ng Araw ng mga Puso o Valentines Day, marahil ay marami pa rin sa mga nakatanggap ng sorpresa mula sa kanilang mga minamahal ang hanggang ngayon ay tila nasa alapa-ap pa at patuloy pa ring nararamdaman ang umaapaw na kaligayahan na naramdaman nila ng araw na iyon, kung saan ay ipinakita at ipinaramdam ng mga taong nagmamahal ang labis na pagmamahal at pagpapahalaga ng mga ito.




Kung sa iba nga, ay tapos na ang selebrasyon ng Valentine’s Day, para sa aktor na si Diego Loyzaga, ay hindi pa nagtatapos sa araw na iyon ang kanyang pagbibigay ng sorpresa at pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanyang nobyang aktres na si Barbie Imperial.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hindi pa nga natatapos ang buwan ng mga puso, kaya naman may pahabol pang sorpresa ang aktor sa kanyang kasinatahang aktres.

Matapos nga ang Valentines Day, muli ay isang romantikong sorpresa ang ibinigay ni Diego Loyzaga sa kanyang itinuturing na mahal na prinsesang si Barbie Imperial. Sa kabila nga ng kanyang pagiging abala sa trabaho, ay nakagawa pa rin ng paraan ang aktor na maibigay sa kanyang kasintahang aktres, ang isang napakaromantikong sorpresa na para sa kanya, ay deserve nito.

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram, ang naging napakaganda at romantikong sorpresa sa kanya ng nobyong aktor. Kung saan ay makikitang ang silid ng aktres ay puno ng mga nakasabit na pulang bulaklak, na may mga ‘fairy lights’. Tila nga naging Velentine’s ang themen ng kwarto ni Barbie, dahil sa kulay ng pag-ibig na naging dekorasyon nito.

Hindi nga lamang ang ceiling ng kwarto ni Barbie ang makikitaan ng mga dekorasyong bulaklak at ilaw, dahil maging ang sahig sa loob ng silid, ay puno rin ng mga pulang bulaklak at romantic set-up ng candles, na mas nagbigay nga ng romantikong at intimate look at feeling sa nasabing silid.

Maliban pa nga sa napaka-romantikong set-up na ito sa loob ng silid ng aktres, ay mayroon ring kasamasa na boquet of Roses ang sorpresa sa kanya ng nobyo, na may kalakip pang love letter na may nakalagay ngang “My Princess.”




Damang dama ng ani Barbie Imperial ang pagmamahal sa kanya ng nobyong aktor, dahil sa super effort na ginagawa nito lagi upang siya’y pakiligin at bigyan ng kasiyahan.

Kalakip nga ng mga larawang ibinagi ng aktres, ay ang kanya ring naging mensahe ng pasasalamat at pagmamahal para sa kanyang very sweet boyfriend na si Diego Loyzaga.

“Diego [crying emoji] thank you endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama cuz you have work. Grabe ka you always find a way to make me happy. Thank you for always make me happy and feel loved. Any day feels like Valentines with you, I miss you already, thank you love @diegoloyzaga [red heart emoji].”

Matatandaan na nito lamang pagpasok ng Bagong Taong 2021, isinapubliko nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang kanilang relasyon. Suportado naman ng kanilang mga pamilya at tagahanga ang relasyon ng dalawa.

 

error: Content is protected !!