Connect with us

Entertainment

Barbie Imperial, Masayang Ipinagdiwang Ang Valentine’s Day Kasama Ang Kanyang Pamilya

Ang pagdiriwang ng Valentine’s day o Araw ng mga Puso na ating ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero ay isang araw na inilaan para ipadama natin ang ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay. Sa araw na ito, ay makikitang maraming mag-asawa at magkasintahan ang masayang ipinagdiwang ang Valentine’s day.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

At para naman sa ilang walang katuwang ang puso o single, ay hindi hadlang ang pagiging single para maenjoy rin ang Valentine’s day. Dahil kapiling ang ating mga mahal sa buhay at pamilya, ay maaari rin nating ipagdiwang ang espesyal na araw na ito.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Katulad na lamang nga ng aktres na si Barbie Imperial na sa kabila ng kanyang pagiging single ay naenjoy parin ang Valentine’s day kasama ang kanyang pamilya. Matatandaan na kamakailan lamang nang mapabalita ang paghihiwalay ng aktres at nobyo nitong aktor na si Diego Loyzaga. Ang balitang hiwalayan ng dating magkasintahan ay lumabas matapos lumipad patungong Amerika si Diego nang hindi kasama si Barbie.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Ilang linggo na nga ang nakalipas magmula nang maghiwalay ang dalawa, ay tila unti-unti na ring nakaka-move on si Barbie. At kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram kung paano niyang ipinagdiwang ang Valentine’s day.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ng aktres na nagkaroon siya ng isang masayang selebrasyon ng Valentine’s day kasama ang kanyang pamilya kung saan kumain sila sa isang kilalang steak house. Sa nasabing larawan ay makikitang apat silang nagsalo-salo, at sa kanyang tabi nga ay ang kanyang ina. At hindi naman maipagkakaila sa mukha ng aktres na masaya siya kapiling ang kanyang pamilya sa espesyal na araw na ito.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Ibinahagi rin ni Barbie sa kanyang Instagram, ang pagbisita sa isang clothing shop kasama ang kanyang ina. Tila naman, naeenjoy na rin ni Barbie ang kanyang pagiging single dahil makikita naman sa aktres ang kanyang blooming na awra. Suot nga ang hapit na hapit na white dress na nagpalutang ng kanyang kaseksihan, ay talaga namang napakaganda ni Barbie lalo na’t bumagay rin sa kanya ang kanyang make up.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Hindi nga naging hadlang kay Barbie ang kanyang pagiging single para ipagdiwang ang Valentine’s day. Ang pagmamahal pa lang sa kanya ng kanyang ina, ay hindi na matatawaran. Marami rin sa mga tagahanga ni Barbie ang patuloy na ipinapakita ang kanilang walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa aktres.

CREDITS: Barbie Imperial| IG

Si Barbara Concina Imperial o mas kilala ng lahat bilang Barbie Imperial ay isa sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Siya ay nakilala ng publiko matapos maging housemate ng Pinoy Big Brother: 737, at binansagang “The Doll along the Riles of Albay” dahil sa kanyang napakagandang mukha na maihahalintulad sa isang manika.

error: Content is protected !!