Connect with us

Entertainment

Barbie Imperial, Lumayas Umano Sakanilang Bahay Dahil nalaman niyang Ampon siya, Tinawagan ang Kaibigang si Sandro Marcos at Tinanong kung Pwede Makitira

Madalas tayo nakakapanood ng ibat-ibang uri ng prank, at mga artista at vlogger ang madalas gumagawa ng mga nakakatawang prank. Isa na nga sa mga artistang ito na kamakailan lang ay nagviral sa social media ay si Barbie Imperial.

Sa isang video na inupload ni Barbie sa kanyang youtube channel, naisipan nitong iprank ang kanyang malalapit na kaibigan at isa sa kumuha sa atensyon ng mga netizens ay ng isama ni barbie sa listahan ng kanyang i-prinank si Congressman elect ng unang distrito ng Ilocos Norte at anak ni President-elect Bong Bong Marcos na si Sandro Marcos.

Pagbabahagi ni Barbie na isa si Sandro Marcos sa kanyang mga naging malapit na kaibigan.

Sa ginawang prank ni Barbie, nagkunwari itong umiiyak dahil nalaman umano nito na ampon lang siya ng kanyang ina. Dahil hindi sila gaano magkamkuka ng kanyang ina at sa kanyang ama siya nag-mana ng itsura, malaki umano ang pag-asa na mapaniwala niya ang kanyang mga kaibigan.

“So sasabihin ko sa mga kaibigan ko na nag-away kami ni Mama dahil inamin niya na sa akin na ampon talaga ‘ko. Pero eto, guys, medyo believable kasi hindi ko talaga kamukha ‘yung mom ko. Siyempre, mas kamukha ko ‘yung tatay ko. And medyo some of my friends, medyo jino-joke nila sa’kin na, ‘Baka ampon ka talaga kasi hindi mo kamukha ‘yung kuya mo tsaka ‘yung nanay mo.”

Unang tinawagan ni Barbie ang kaibigan na si Chie Filomeno kung saan, mangiyakngiyak ito sa telepono na ipinapaliwanag ang mga nangyari, tinanong din ni Barbie kung saan ito at kung pwede ba siya makipagkita dito. Pero napamura ang kaibigang ito ni Barbie ng sabihin ng aktres na prank lang pala ito.

Sinabi naman ito na nakakaramdam din siya na parang may hindi tama dahil hindi naman daw ganito umiyak si Barbie dahil siya daw ang tinatawagan nito noong mga panahon ng breakup season ni barbie kaya alam niya ang totoong iyak ng aktres.

Pangalawa nga sa tinawagan ni Barbie ay si Sandro Marcos,

 “Ok guys, eto ‘yung pinakakinakabahan ako na i-prank kasi siyempre friend ko ‘to and, respect…respect!”

Agad tinanong ng aktres kung saan ito at kung may ginagawa ba ito. Dito nagsimula ng iprank si Sandro at ipinaliwanag dito na adopted diumano siya ng kanyang ina. Ipinaliwanag din ng aktres na nag-away sila ng kanyang ina kaya naman lumayas ito ng kanilang bahay para magsolo. Tinanong naman ng aktres kay Sandro kung maari ba daw siya makitira sakanilang bahay.

“May problema kasi ako. It’s a big problem” at tinanong ni Sandro kung ano iyon. “Adopted ako. Kanina lang sinabi sa’kin ng nanay ko. So, ngayon umalis ako ng bahay, kaya tumatawag ako kasi magso-solo na ako e. Can you help me?”

Agad naman sinabi ni Sandro na pwede itong mag-stay sa kanilang guest room, pero kailangan daw nitong magpaalam sa hindi nabangit na tao sa kanyang vlog.

“You can stay in the guest room, sa amin, pwede.”

Nagpasalamat si Barbie kay Sandro pero pagkatapos ay agad naman ni reveal ng aktres na prank lang ito, ito ang naging reaksyon ni Sandro.

You’re so annoying! Kuleeet!!! Oh my god! I hate you!”

Ang mga sumunod na naprank ni Barbie na kanyang mga malalapit na kaibigan ay sina Michelle Vito, Carlo Aquino, Tony Labrusca. Sinusubukan niya din tawagan si Ricci Rivero ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ito makontak.

 

 

error: Content is protected !!