Connect with us

Entertainment

Barbie Forteza, Hinangaan ng Publiko Matapos Matiyagang Pumila ng Alas-Kwatro ng Madaling Araw Para Magparehistro Bilang Botante

Isa nga sa karapatan ng bawat mamamayan ang bumoto. Nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan ang magiging pinuno ng bansa at iba pang opisyales ng gobyerno. Ngunit, bago pa man natin mailuklok ang karapat dapat na pinuno, ay kinakailangan muna nating magparehistro bilang botante.

Credits: Barbie Forteza | IG

Sa nalalapit na eleksyon sa ating bansa sa darating na 2022, ay nagsimula na nga ang pagpaparehistro ng boto ng karamihan para maging isang ganap na botante. Napakahalaga ng bawat boto, dahil dito nakasalalay ang ating hinaharap, at pag-unlad ng ating bayan.

At sa nalalapit na deadline ng pagpaparehistro ng mga botante sa darating na ika-30 ng Setyembre, ay puspusan ang pagpaparehistro ng mga mamamayan para hindi masayang ang kanilang boto.

Credits: Barbie Forteza | IG

Kaya naman, ang aktres na si Barbie Forteza ay hindi pinalampas ang pagkakataon na magparehistro na para makaboto sa darating na eleksyon upang maihalal ang karapat-dapat na opisyales. Ang mahabang pila ng mga nagpaparehistro, ay hindi alintana ni Barbie sa halip nga ay maaga siyang pumila at matiyagang nag-antay.

Sa Instagram nito lamang Huwebes, ay masayang ibinahagi ni Barbie ang kanyang larawan kung saan makikitang siya’y nasa isang mahabang pila ng mga nagpaparehistro at nakatalungko sa bangketa habang naghihintay na makapagparehistro.

Ayon naman sa caption ng post ni Barbie, alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay nakapila na siya para magparehistro. At matapos nga ang mahabang pila at paghihintay, ay isa na siya ngayong ganap na botante.

Credits: Barbie Forteza | IG

“Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay rehistrado na ko!”,caption sa post ni Barbie.

Sa kanyang post, ay hinikayat rin ni Barbie ang iba pang mamamayan na magparehistro na ng kanilang boto para maging botante sa darating na 2022 election.

“Puwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto,” payo niya.

Sa isang larawan sa kanyang Instagram, ay makikita ang kanyang thumb na markado na patunay nga na nakapagparehistro na siya ng kanyang boto. May maikling video ring ibinahagi si Barbie, kung saan makikita namang ang paglalagay niya ng thumbmark sa mga dokumentong kinakailangan.

Credits: Barbie Forteza | IG

Samantala, marami naman sa mga netizens ang natuwa at humanga kay Barbie, dahil sa kanyang matiyagang pagpila ng maaga sa kabila ng maraming nagpaparehistro at haba ng pila. Pinatunayan nga ni Barbie na sa kabila ng kanyang kasikatan ay isa rin siyang normal na tao, na tulad ng iba ay may karapatan ring bumoto.

Maliban kay Barbie, ay marami rin sa mga sikat na artista sa showbiz, ang nagbahagi ng kanilang karanasan ng sila’y magparehistro ng kanilang boto.

Si Barbie Forteza ay isang sikat na aktres sa GMA Network, na kung saan dahil sa kanyang husay sa pag-arte ay binansagan siyang Kapuso Primetime Princess.

error: Content is protected !!