Connect with us

Entertainment

Bangs Garcia, Lumutang ang Kagandahan sa kanyang Maternity Photoshoot sa Loob ng kanilang Tahanan sa London

Tunay nga na walang makakapantay sa kaligayahan ng isang ina habang ipinagbubuntis ang anak sa sinapupunan. Kaya naman, ang bawat sandali ay nais makunan ng larawan para magsilbing alaala upang pagdating ng panahon ay maaaring balikan ang masayang yugto ng pagiging isang ina.



Kaya naman, ang napakagandang aktres na si Bangs Garcia ay hindi pinalampas ang pagkakataon na magkaroon ng isang maternity photoshoot sa loob ng kanilang tahanan sa London.

Si Bangs Garcia at kanyang asawang si Lloyd Birchmore na isang Filipino-British ay tatlong beses na ngang ikinasal. Nauna ngang ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa England sa pamamagitan ng isang civil wedding. Nasundan naman ito ng isang secret church wedding. At noong January 2017 nga ang ikatlo nilang pag-iisang dibdib na ginanap naman sa napakagandang isla ng Boracay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on

Talaga nga namang mababakas na tunay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Hindi nga nagtagal ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at noong December 2017 nga ay isinilang ni Bangs ang panganay nilang anak na si Amelia.



Hindi naman maitatanggi na punong-puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama. Dahil makalipas lamang ang ilang taon, ang kanilang anak ay madadagdagan na dahil nagdadalan-tao ngayon si Bangs sa pangalawa nilang anak ng asawang si Lloyd.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on

Matatandaan nga na noong Araw ng mga Puso nang inanunsyo ng mag-asawa ang bagong biyayang dumating sa pamilya nila. At ngayon nga, kahit nasa gitna ng quarantine na dulot ng pandemya ay hindi naging balakid kay Bangs ang magkaroon ng isang maternity photoshoot upang magsilbing alaala ng kanyang pagbubuntis sa pangalawa nilang anak.

Ang maternity photoshoot na ito ay kuha sa loob ng kanilang tahanan sa London. At sa tulong nga ng mahusay na photographer na “The Story Teller UK”, naisakatuparan ni Bangs ang napakagandang maternity photoshoot. Makikita sa larawang ibinahagi Bangs sa kanyang Instagram na talagang napakaganda niya sa kabila ng kanyang pagbubuntis. Bagama’t, simple ang kuha ng larawan, ay lutang na lutang naman ang kagandahan ni Bangs habang nakasuot ng black brassiere at yellow cardigan kung saan makikitang nakalitaw ang malaki niyang baby bump.

“My countdown starts today. 7 more days to go”,

caption ni Bangs sa kanyang post na excited na sa nalalapit na paglabas ng kanyang baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JAM | The Storyteller (@thestorytelleruk) on

Samantala, dahil nga sa kahanga-hangang larawan ni Bangs ay tampok rin ang aktres sa Instagram page ng photographer kung saan makikitang nakasuot ng white dress habang nakangiti at lutang na lutang ang kagandahan. Ang mga kahanga-hanga at naggagandahang larawan ni Bangs ay kinunan sa living area ng kanilang tahanan.



Ilang araw na lang nga ang hinihintay ng mag-asawa at masisilayan na nila ang kanilang munting anghel na biyaya sa kanilang masayang pamilya.

error: Content is protected !!