Connect with us

Entertainment

Bangs Garcia, Isinilang na ang Pangalawa nilang Anak ng Asawang si Lloydi Birchmore

Published

on

Ang aktres na si Bangs Garcia ay isa sa mga tinitingala at hinahangaan sa industriya ng showbiz. Ngunit, hindi naman nagtagal ay mas pinili na lamang ng aktres na iwan ang kasikatan kapalit ng simple at tahimik na pamumuhay.




At nang matagpuan nga ang inaasam na pag-ibig sa kanyang asawang si Lloydi Birchmore na isang Filipino-British businessman na nakabase sa UK, ay nagpasya ang aktres na pagtuunan na lamang ng pansin ang kanilang pamilya. Ang masayang pagsasama nga nina Bangs at Lloydi ay biniyayaan ng isang napakagandang anak na babae, na pinangalanan nilang Amelia na ipinanganak noong December 5, 2017.

Ngunit, matapos lamang ang halos tatlong taon, isang biyaya na naman ang dumating sa kanilang pamilya dahil noong July 21, 2020 nga ay muli na namang nagsilang ng isang napakacute na baby girl si Bangs.

Photo credits: valeriebangsgarcia | Instagram

Si Baby Isabella nga ang pangalawa nilang anak na talagang namang napakacute at nakuha rin ang magandang katangian ng kanyang mga magulang. Ang pagdating ni Baby Isabella sa kanilang pamilya ay masayang sinalubong ng mag-asawa. Talaga nga namang iba ang hatid na kaligayahan ng pagdating ng isang sanggol sa pamilya.

Photo credits: valeriebangsgarcia | Instagram

At noong July 21 nga, ganap na 9:30 ng umaga sa oras sa UK, ay masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang kanyang matagumpay na panganganak kay Baby Isabella, na ayon naman sa aktres ay katimbang rin umano ng kanyang Ate Amelia na may timbang na 7.8 pounds.

“Happy Birthday, Isabella!!!💖 Born on 21st July 2020 at 9:30am weighing 7.8 lbs. ( exactly as heavy as her big sister Amelia when she was born 😄).”

Photo credits: valeriebangsgarcia | Instagram 




Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Bangs, na nasa loob pa siya ng delivery room kung saan ay nakahiga sa dibdib niya si Baby Isabella. Makikita rin ang saya sa ngiti ng kanyang asawang Lloyd na hindi maikakaila ang pagmamahal sa anak.

Samantala, ibinahagi naman ng aktres ang kanyang karanasan habang ipinagbubuntis si Baby Isabella. At ayon nga kay Bangs, hindi naging madali ang pagbubuntis niya sa kanyang 2nd baby sa hirap na kanyang naranasan habang ipinagbubuntis ito. Ngunit, sa kabilang banda, malaki rin ang pasasalamat ni Bangs dahil sa kabila ng nararanasang krisis na dulot ng pandemya sa buong mundo ay matiwasay niyang naipanganak ang kanyang 2nd baby.

At ngayon nga, masayang-masaya si Bangs dahil ligtas silang mag-ina at matapos ngang masilayan ang napakacute na si Baby Isabella ay napawi lahat ng pangamba ng aktres. Tiyak na mas lalong magiging masaya ang kanilang pamilya sa pagdating ni Baby Isabella dahil ang prinsesa ng kanilang pamilya ngayon nga ay dalawa na.

Congratulations Bangs and Lloydi!

error: Content is protected !!