Connect with us

Lifestyle

‘Banana Sundae Host’ Angelica Panganiban Nilibot Ang Europe Bilang Bahagi Ng Kanyang ‘Travel Goals’

Published

on

Maraming artista ngayon ang sobrang busy sa kanilang career, hindi mabilang na taping kaliwa’t kanang mga proyekto na talaga naman magsasabi ng pagiging indemand ng isang artista. At dahil sa piniling propesyon hindi maiiwasang mawalan ng panahon para sa mga personal na interes at oras para sa sarili.

Sa kabilang banda matatandaang ibinahagi ng Kapamilya Aktres na si Angelica Panganiban sa isang interview na gugulin niya ang mga huling bahagi ng taong 2019 sa paglilibot sa ibang bansa bilang parte na rin ng kanyang travel goals plan. At ayon pa sa aktres ay kailangang paglaanan ng isang tao ng panahon kung paano niya aalagaan at mahalin ang kanyang sarili.



Ayon pa sa 33 taong gulang na aktres dahil sa sobrang pagtatrabaho niya parang hindi na niya naasikaso ang mga pansariling kaligayahan dahil kilala ang “Playhouse” actress na mahilig magtravel sa iba’t ibang lugar. Sa kabilang banda dahil sa kakaibang schedule ngayon ng kanyang bagong proyekto kung saan kasama niya ang kapwa aktres na si Bea Alonzo may pagkakataon siyang magawa ang matagal ng pangarap.

Sa katunayan nasa Europe ngayon ang magandang aktres bilang birthday holiday kung saan ay doon siya nagdiwang ng kanyang ika-33 kaarawan. Masayang pinuntahan ni Angelica ang mga sikat na lugar sa Rome, Italy katulad ng pamosong ‘Colosseum’, ‘Fontana Di Trevi’, at ‘Spanish Steps’.

Photo credits: iamangelicap | Instagram   

Samantala naging kontrobersiyal naman ang pagdalaw ng “Ang Dalawang Mrs.Reyes” actress sa Spanish Steps kung saan ay napagsabihan at binawalan sa pag-upo dito dahil mahigpit pala itong ipinagbabawal sa nasabing sikat na tourist site,

Photo credits: iamangelicap | Instagram

Photo credits: iamangelicap | Instagram

“For almost 28 years, i have been infront of the audience. Naramdaman ko pano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano magsalita, lumaban, para sa sarili mo. Sa pag upo ko sa Spanish steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo ditto. Sorry na po mga pulis –atleast, nakaisa “ pabirong pagbabahagi pa ng aktres sa kanyang Instagram.

Photo credits: iamangelicap | Instagram

Photo credits: iamangelicap | Instagram

Photo credits: iamangelicap | Instagram

Sa kabilang banda hindi pa dito natatapos ang travel goals ni Angelica dahil balak din ng aktres na pumunta sa Korea kung saan gusto niyang mapanuod ang bandang “U2” at gusto rin niyang magcelebrate ng pasko sa bansang Finland.



Photo credits: iamangelicap | Instagram

Samantala ayon pa sa aktres kung papalarin pa at magkaroon ng chance na maging maganda ang schedule ng mga proyekto niya sa darating na 2020 gusto naman niyang pumunta sa South America.

error: Content is protected !!