Banana Sundae Cast ‘Pokwang’ Nilinaw Kung Bakit Close Sa Mga Kasambahay Ang Kanyang Anak Na Si ‘Malia’

Nakakamanghang pagmasdan na ang isang anak ng isang kilalang personalidad ay ganoon na lamang kaclose sa kanilang mga kasambahay. At talagang mapapahanga ka na lang kung ang iyong iniidolo ay may magandang palang pakikitungo sa mga kasambahay at maging ang sariling anak ay tinuturuan ng tamang relasyon sa mga kasama sa bahay.



Marahil ito ang katwiran ng komedyanteng aktres na si “Marietta Subong” o mas kilala natin bilang ‘Pokwang’. Kamakailan lang ay maraming mga Netizen ang nagtaka kung bakit hinahayaan ng aktres na palaging makasama ng anak niyang si ‘Malia’ ang mga kasambahay.

Sa kabilang banda ay kilala talaga ang “Banana Sundae ” cast na mahilig kumuha ng mga larawan at maging ng mga video kung saan man sila magpupuntang mag-ina. Matatandaang nagbahagi siya ng isang video kasama ang kasambahay na nag-aalaga kay Malia na at umani ito ng maraming puna mula sa mga netizen dahil sa ginawang pagpapakain ng kasambahay sa alagang si Malia.

Kaya ng muli siyang magpost ng isang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang anak na kumakain habang kasabay ng kanyang mga kasambahay ay maraming netizen ang muling napataas ang kilay at hindi maiwasang magtanong.



Sa kabilang banda ay ipinaliwanag ng 49 na taong gulang na aktres kung bakit niya hinahayaang makasabay ang cute na anak sa kanyang mga kasambahay tuwing oras ng kainan,

“itspokwang27 Goodmorning….. sa mga nagtatanong ano daw sikreto namin bakit magana kumain si #tisayngmasa @malia_obrian ang sagot ko ay, HUMILITY! mas magana sya kumain kapag marami sya kasabay lalo na mga kasambahay kop o, ang table manners madaling matutunan yan lalo na kapag nasa wastong pag iisip na sya,pero ang pakikipagkapwa tao dapat mas maagang tinuturo. 😘❤️”, paglilinaw pa ng proud mommy ni Malia.


Samantala ayon pa sa aktres ay mas higit na maganang kumain ang anak sa tuwing makakasabay nito ang kanilang mga kasambahay at gusto rin niya na lumaki ang anak na si Malia na maging malapit sa lahat ng mga tao lalo na sa kanyang mga kasambahay.



Ilang netizen ang pinuri ang kakaibang pagpapalaki sa anak at maging ang maayos na pagtrato sa kanyang mga kasambahay,

“julienmadison12 Hahahaha cute sa malaking bowl talaga si malia 💋 👋”,
“ivygonzagakoetitz 👋👋👋 That’s right!!!Hi cutie Malia!!!😘Thanks for making us smile everyday”,
“asian_baby1 Bless your heart @itspokwang27. Very humble of you is one of a kind ♥️♥️♥️”,
“reinammaerina Awee so cute! I love this Mamang. I admore you and tour family”,
“ivyskie_highways13 Super bait nio poh sa mga kasamabahy hindi ka masilan …at isa pa hndi ka poh mata pobre simple ka lang sa buhay mo..salute poh ako sau..mabuhay poh kau…😘😘😘”.

Sa kabilang banda, labis ang pasasalamat ng mga kasambahay ni Pokwang sa pagtitiwala at pakikitungong ginagawa ng kanilang among komedyante sa kanila.