Connect with us

Entertainment

Balikan Ang Sweet Moments Ng Mag-Asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Nang Sila’y Dumalo Sa Isang Kasal

Ganap na ngang mag-asawa ngayon ang magkasintahan lamang noon na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Nitong nakaraan lamang na February 20, 2020 nang sikretong magpakasal ang dalawa sa isang simple at intimate wedding na ginanap sa Victory Church sa Taguig City. Pero naging matunog rin ang kanilang pangalan dahil sa mga kinakaharap na suliranin ngunit kanila itong nalampasan dahil sa matibay nilang pagmamahal sa isa’t-isa.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Ngunit bago naging mag-asawa ay batid natin kung ano ang mga pinagdaanan ng dalawa at nakita rin natin ang mga sweet moments nila sa isa’t isa ng mga panahong sila ay magkasintahan pa lamang. Isa na dito ay ang larawan na kuha noong taong 2016 kung saan nagpapakita ang kanilang sweet moments nang dumalo sa isang kasal.

Naging sentro ng atensyon sina Sarah at Matteo sa ginanap na kasal ng kanilang kaibigan. Kapansin-pansin ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa na talagang makikita ang kanilang tunay na pagmamahalan. Si Matteo ay naimbitahan bilang abay sa kasal ng kanyang kaibigan na si Aries Sales na isang song-writer at ng kasintahan nitong si Mia.

Photo Credit: Google Image

Si Aries ang lead vocalist ng bandang MP3 band sa Pilipinas Got Talent Season 4 na napabilang sa grand finalist. Ang naturang kasal ng magkasintahang Aries at Mia ay ginanap sa isang event place sa Quezon City.

Maging ang magkasintahang KZ Tandingan at nobyo nitong singer-song writer na si TJ Monterde ay namataan rin sa nasabing kasalan.

Photo Credit: Google Image

Hindi maiiwasan ang kumuha ng mga larawan ng mga oras na iyon upang magsilbing ala-ala para sa isang espesyal na selebrasyon. Kaya naman bumaha ng ibat-ibang larawan sa Instagram na kuha sa naturang kasal. May mga larawan na makikitang masaya silang magkakasama, may larawan ng bagong kasal at may ilan pa na stolen ang pagkakakuha. Maging mga larawan nina Sarah at Matteo ay kuhang-kuha rin ang kanilang ka-sweetan.

Photo Credit: Google Image

May larawang makikita na talagang mahal na mahal nina Sarah at Matteo dahil masayang nakangiti ang dalawa habang nakahawak pa si Matteo sa tuhod ni Sarah.

May isang larawan namang makikita na nakaangla pa ang Popstar Princess sa kanyang nobyong si Matteo. At talagang proud na proud ito bilang girlfriend ni Matteo na masisilayan ang tamis ng mga ngiti sa larawan.

Photo Credit: Google Image

Ngunit maliban sa mga larawang ito ay mas nakakakilig pang bahagi ng kaganapan sa naturang kasal. Ito ay nang magkaroon ng intermission number si Matteo at KZ na kung saan ay kanilang inawit ang love song na Forevermore ng Side A band.

Ayon sa caption ng post sa Instagram, habang kumakanta si Matteo sa stage ay nasa kabilang gilid naman nito si Sarah na masayang nagtsi-cheer para sa kanyang nobyo.

Photo Credit: Sgmfj Guidicelli Instagram

“Matteo and KZ performing Forevermore here at Aries and Mia’s wedding. Sara G is at the opposite side cheering.”

Masayang nag-aawitan ang lahat, at punong-puno ng pag-ibig ang venue ng kasal. Ngunit, mas lalo pang kinilig ang lahat nang pagdating sa lyrics na “You’re all I need to be with forevermore,” kapansin-pansin ang biglang paglingon ni Matteo sa kabilang side kung saan sinasabing bandang nakaupo si Sarah at naging dahilan ito upang maghiyawan ang mga tao sa reception.

Talaga nga namang kapag tunay ang pagmamahal na alay sa bawat isa ng taong nagmahahalan, saang lugar man kayo naroroon ay talagang agad itong madarama ng mga taong nasa paligid.

error: Content is protected !!