Connect with us

Entertainment

Balikan ang Romantic Prenup Photoshoot ng Aktor na si Vhong Navarro at Long-time Girlfriend nitong si Tanya Bautista sa Vietnam

Ang actor-comedian na si Vhong Navarro ay marami ng pinagdaanan pagdating sa relasyon sa buhay pag-ibig, kaya naman, hindi maikakaila na sa katagalan ng panahon ay natutunan na rin niyang panghawakan ang isang relasyon.

Matatandaan na unang ikinasal si Vhong sa dati nitong asawang si Bianca Lapus, ngunit hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama at nauwi nga ito sa hiwalayan. Naghiwalay man ay magkatulong pa rin silang dalawa sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Isaiah, na ngayon ay binata na at nakapagtapos na rin sa highschool.



Muli namang umibig ang aktor, at kanya na ngang natagpuan ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kanyang asawa ngayong si Tanya Bautista, na isang scriptwriter sa ABS-CBN Network.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Nagsimula ang pag-iibigan nina Vhong at Tanya noong 2008 sa set ng romantic-comedy movie nina Vhong at Toni Gonzaga na “My Only U”, kung saan ay isa si Tanya sa mga writer ng naturang pelikula at doon na nga nagsimula ang masaya nilang samahan bilang magkasintahan. Naging matatag ang relasyon nilang dalawa sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa kanilang relasyon. At noong 2016 nga, sa araw ng kanilang mismong anniversary ay nag-proposed na si Vhong sa long-time girlfriend niyang si Tanya.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

At matapos nga ang halos 11 taong relasyon bilang magkasintahan, ang kanilang relasyon ay nauwi sa pag-iisang dibdib na ginanap noong November 28, 2019 sa napakagandang lugar ng Kyoto, Japan kung saan naging saksi sa kanilang matamis na pag-iibigan at pagpapalitan ng wedding vows ang kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at ilang katrabaho sa industriya ng showbiz.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Ngunit, bago pa man maganap ang kanilang intimate wedding sa Japan ay nagkaroon muna sina Vhong at Tanya ng prenup photoshoot. Lumipad nga ang love birds patungong Vietnam upang doon kunan ang kanilang napakaganda at romantic prenup photoshoot.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com



Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

At sa tulong nga ng Metrophoto ay naging kahanga-hanga ang kuha ng kanilang mga larawan. Hindi biro ang prenup photoshoot ng couple na ito dahil talagang plinano at pinag-isipan nilang mabuti ang magiging tema at bawat detalye ng photoshoot at higit sa lahat ay ginastusan nila ang paglipat-lipat sa bawat lokasyon kung saan makikita ang mga lugar na ipinagmamalaki ng Vietnam. Hindi nga pinalampas nina Vhong ang mga naggagandahang tanawin sa bawat sulok ng Vietnam upang kanilang maging location sa kanilang photoshoot. Kabilang na nga rito ang napakagandang Golden Hand Bridge na matatagpuan sa Da Nang at Fairy River na talagang hindi maikakaila ang ganda ng tanawin.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi nila sa Instagram na talagang napakaganda ng kuha ng bawat larawan kung saan masisilayan ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa. Makikita nga sa bride to be na si Tanya na napakaganda sa suot niyang dress na mas lalong pinalutang ng magandang tanawin sa kanilang background.

Photo credits: starcinema.abs-cbn.com



Photo credits: starcinema.abs-cbn.com

Sa bawat ngiti at sulyap nga nila sa isa’t isa, hindi maikakaila na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Naging saksi nga ang magagandang tanawin ng Vietnam sa kanilang pagmamahalan.

error: Content is protected !!