Connect with us

Entertainment

“Bakit ang bilis ng panahon?”: Pauleen Luna, Naging Emosyunal sa Mabilis na Paglaki ni Baby Tali

Ang mabilis na paglipas ng panahon, ay nangangahulugan rin ng mabilis na paglaki ng ating mga anak. Sa bawat taon ngang lumilipas ay nadadagdagan ang edad ng ating mga anak. At bilang mga magulang ay hindi natin maiwasan ang maging emosyunal dahil sa mabilis nilang paglaki.

Katulad na lamang nga ng aktres at TV host na si Pauleen Luna na isang hands-on mommy sa anak nila ni Vic Sotto na si Baby Tali. At sa nalalapit na kaarawan ni Baby Tali, ay hindi maiwasan ni Mommy Pauleen ang maging emosyunal.

Nito lamang ika-2 ng Nobyembre, nang mapost si Mommy Pauleen nang kanyang saloobin sa mabilis na paglipas ng panahon at mabilis ring paglaki ng kanyang anak, dahil apat na araw na lamang ay magdiriwang na ito ng kanyang ika-3 taong kaarawan. Tila nga hindi ito makapaniwala na lilipas na naman ang taon at madadagdagan ang edad ng anak.




Nasambit na lamang nga ni Pauleen kung bakit ang bilis ng panahon. Darating umano ang araw na matututo nang magdesisyon si Tali kung saan niya nais matulog o kung ano ang mga nais nitong gawin.

“As you turn 3 years old in exactly 4 days, I can’t help but be emotional as I realize that you’re really getting so big and growing up now. In just a span of a few weeks, she suddenly has her own decisions already, like where to sleep, who to sleep with, what to eat, etc. Bakit ang bilis ng panahon?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

At dahil nga, ito na ang mangyayari pagdating ng panahon, ay wala umano siyang magagawa kundi ang sundin ang nais ng anak.

Dagdag pa ni Mommy Pauleen, ay tila nga ba kahapon lamang nang siya pa ang gumagawa ng desisyon para sa anak, at sumusunod lamang ito sa kanya.

“It was just like yesterday where I can bring you anywhere and you will just say yes to everything I tell you to do. Hay. Life is happening.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on


Sa huling bahagi ng post, ay sinabi naman ni Mommy Pauleen na ang tanging nais niya para sa kanyang anak, ay lumaki itong isang mabuting tao at mapagkumbaba. Mababakas talaga kay Pauleen ang labis na pagmamahal sa anak, dahil sinabi rin nito na palagi itong nasa tabi ng anak kung saan ay hindi niya ito pababayaan.




“I just really pray that you’ll grow up to be a kind, giving, understanding, and humble person. I will always be here, my love always and forever, your mommy I’ll be.”

Si Baby Tali ay panganay ni Pauleen kay Vic, samantalang panglimang anak naman ni Vic. Si Bossing Vic ay may isang anak kay Coney Reyes, ang Mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Dalawa naman ang anak niya kay Dina Bonnevie, sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto. Isa naman ang anak niya kay Angela Luz, siya si Paulina Sotto.

error: Content is protected !!