Connect with us

Uncategorized

Bagong Kapuso Star na si Bea Alonzo, Pinabilib Ang Publiko Sa Kanyang Unang Appearance sa All-Out Sundays

Matapos ang halos dalawang dekadang pananatili sa ABS-CBN Network bilang isang mahusay na aktres, ang dating Kapamilya star na si Bea Alonzo ngayon nga ay isa nang na Kapuso. Matatandaan nga na noong July 1, 2021 nang kumpirmahin ni Bea ang kanyang paglipat sa GMA Network, na kung saan nga ay pumirma na siya ng kontrata.

Credits: Bea Alonzo | IG

At nito lamang ngang ika-3 ng Oktubre, araw ng Linggo ay isa si Bea sa trending topics sa Twitter. Ito nga ay matapos ang kanyang guest appearance sa Kapuso Sunday musical variety show na All-Out Sunday.

Naging mainit ang pagsalubong ng mga Kapuso stars kay Bea kung saan nga ay naging makulay at entertaining ang segments kung saan tampok si Bea. Makikita na si Bea ang unang nag-perform sa opening production number. Hindi naman maikakaila ang taglay na kagandahan ni Bea sa kanyang suot na matingkad na pink gown na may mahabang trail. At sa unang performance ni Bea sa stage bilang isang Kapuso ay inawit niya ang “Can See Clearly Now” ni Jimmy Cliff.

Credits: Facebook

Nang i-welcome nga si Bea ng mga hosts ng show, ay hindi maitago ng magandang aktres ang kanyang labis na kaligayahan dahil ngayon nga ay ganap na siyang Kapuso star.

“Ang saya-saya ko kasi sa wakas nasa AOS stage na ako. I’m thankful dahil ang dami ko agad nakilalang Kapuso ngayon,” nakangiting pahayag ng aktres.

Sa second feature naman kay Bea, ay ipinakita ang behind the scenes na kuha nang irecord niya ang mga kanta para sa kanyang production number sa AOS. Samantala, nakasama rin niya sa isang production number ang iba pang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Andrea Torres, Max Collins, at Rhian Ramos.

Credits: Facebook

Nagkaroon rin ng interview portion para kay Bea kung saan ay may nakahandang katanungan para sa kanya na kuha sa pre-recorded videos. At isa nga sa naghatid ng tuwa kay Bea ay ang katanungan ni Marian Rivera. Ang naging katanungan ni Marian kay Bea ay kung ano ang iluluto sa kanya ni Bea kapag nagkita na sila?

Natuwa naman si Bea sa katanungan ni Marian, at dito nga ay inamin ng aktres na magkaibigan sila at nagkakausap paminsan-minsan. Tila napa-throwback naman si Bea sa tanong ni Marian sa kanya. Matatandaan naman na nagkasama sina Bea at Marian sa isang virtual meet ng ini-endorso nilang beauty brand.

“Hi, Marian, hello. Friends na kami dahil nagdi-DM [direct messaging] kami. So I’m very, very happy. Thank you for your question, Marian. Dahil ipagluluto mo ako ng menudo ng lola mo, siguro ipagluluto naman kita ng kaldereta ng lola ko. So, compare tayo ng recipes ng ating mga lola.”

Credits: Facebook

Buong puso namang nagpasalamat si Bea sa mga bumubuo ng GMA Network sa mainit na pagsalubong sa kanya.

“Sa totoo lang, this is really monumental for me kasi itong mga nakaraang buwan maraming pagbabago sa buhay ko.”

“So, I would like to thank GMA-7 for all the opportunities. Maraming, maraming salamat po, and I will try my best na ipakita sa inyo ang talento ko, and of course, my soul. So maraming, maraming salamat sa lahat ng Kapuso. Abangan niyo po ako sa lahat ng shows ng GMA-7,” anang aktres.

error: Content is protected !!