Connect with us

Entertainment

Bagama’t Hiwalay Na, Ellen Adarna At John Lloyd Cruz, Pinag-uusapan Ang Co-parenting Para Sa Kanilang Anak Na Si Elias

Published

on

Ang pagtataguyod ng anak ay isang napakalaking responsibilidad para sa mga magulang upang lumaking maayos at mabuting tao ang kanilang anak. Ngunit, may mga pagkakataon na ang isang masayang pamilya ay nauuwi sa isang broken family dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kaya naman, kadalasang ang pag-aalaga at pagtataguyod ng anak ay nasa puder ng ina o kaya naman ay nasa puder ng ama. Sa mga ganitong sitwasyon, kinakailangang magkaroon ng malawak na pang-unawa ang bawat-isa upang maalagaan nila ang kanilang anak sa tamang paraan.

Maliban dito, higit namang kinakailangan ang atensyon at pagmamahal na dapat ilaan sa anak upang hindi ito makaramdam ng kakulangan at magkaroon ng hinanakit sa mga magulang.




Kaya naman ang aktres na si Ellen Adarna ay nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa co-parenting status nila ng dating karelasyon na si John Lloyd Cruz para sa kanilang anak na si Elias na magdadalawang taon na ngayong Hulyo.

Bagamat, hiwalay na sina Ellen at John Lloyd, ginagawa pa rin nila ang kanilang makakaya na mapalaki ng maayos ang kanilang anak.

Noong Abril 28, sa Instagram ni Ellen, ibinahagi niya ang kanyang “mumbod” ngayong sumasailalim sa enhanced community quarantine.

“#quaranTan #mumbod thanks to my ever amazing yaya @jessamucho for the amazing videos, boomerang and pics.”

Sa naturang post, makikita na napakasexy pa rin ni Ellen sa suot na two piece swimsuit na tila hindi dumaan sa panganganak. Kaya naman, maraming netizens ang humanga at nagbigay pa ng komento.

Komento ng isa niyang follower:

“murag wala nanganak [parang hindi nanganak] hi ate elen.”

Sabi pa ng isa:

“Dzae unsaon pag ing ana nga lawas? Huhuhuhu makasuya jud sha dzae! [‘Day paano ma-achieve ang ganyang katawan? Huhuhu nakakainis ka talaga ‘Day!]”




Ngunit, may ilan namang nagsabi na edited lamang ang picture dahil iba ang kulay ng kanyang balat sa bandang tiyan. Walang pakundangan naman itong sinagot ni Ellen at sinabi:

“nope. I just tan a lot and i dunnu why my stomach and mid part of my body tanned the most.”

May isang netizen naman ang nagbiro at sinabi na nakalimutan umano ni Ellen maglagay ng sunblock sa tiyan na sinang-ayunan naman ni Ellen.

“i think mao tong start na nasunog akong tiyan kai hantod ron grabe itom kau ako tiyan compared sa uban parts hahahahaahahahhaahhahahaah”

Ngunit, maliban sa mga komentong ito ng mga netizens, higit na nakaagaw ng pansin ang komento ng isang netizen patungkol sa anak niyang si Elias sa dating karelasyon na si John Lloyd Cruz. Napanood umano ng nasabing netizen ang Instgaram Live nina John Lloyd at Bea Alonzo. At sa naturang live, napag-usapan ng dalawa na kasama ng aktor ang anak na si Elias, at ipinakilala pa niya ito kay Bea.

“How often do you see your son? I’ve watched bea ig live and it was mentioned that your son is with john lloyd…I’m curious Lang coz I’m a mum and can’t imagine myself being away with my kids”

Hindi naman nag-atubili ang aktres na sagutin ang katanungang ito ng netizen at ayon sa kanya ay nakakasama umano ni John Lloyd ang anak na si Elias dalawang beses kada linggo upang makapagbonding ang mga ito.




“he stays with me. He sleeps over his dads place twice a week because we co parent.”

Ayon sa ulat ng PEP.ph, Agosto ng taong 2019 nang magkahiwalay sina Ellen at John Lloyd. Ngunit, hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang anak na si Eliaa dahil nag-uusap naman ang dalawa tungkol sa co-parenting para sa kanilang anak at hanggang don na lamang ang estado ng kanilang relasyon.

error: Content is protected !!