Connect with us

Entertainment

Badjao Girl Rita Gaviola Natupad Na Ang Pangarap Na Maging Isang Beauty Queen Matapos Magwagi Sa Segment Ng It’s Showtime Na Sexy Babe

Sino nga ba ang makakalimot sa nag-viral na babaeng Badjao na naispatan ang kanyang taglay na kagandahan sa Pahiyas Festival ng Quezon. Siya nga ang binansagang si Badjao Girl o kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Rita Gaviola. Sa kanyang natural na ganda ay marami ang napahanga matapos masilayan ang kanyang mga larawan sa social media.

Photo credits to the owner

Ito na nga ang nagbukas ng pinto kay Rita para makilala siya ng publiko. At naging daan rin niya para maging isa sa mga housemate ng reality talent show na Pinoy Big Brother sa Teen Edition nito. Nakasama niya ang ilang sikat na artista sa loob ng bahay ni Kuya tulad na lamang nga ni Maymay Entrata.

CREDITS: Rita Gaviola| IG

Hindi naman talaga maipagkakaila ang angking ganda ni Rita. At kamakailan lamang nga muling pinahanga ni Rita ang publiko matapos niyang sumali sa segment ng It’s Showtime na Sexy Babe.

Photo credits to the owner

Ibinahagi naman ni Rita ang dahilan ng kanyang pagsali sa patimpalak. Ayon nga rito, ay nais niyang ipakita sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. At bilang isang Badjao nga ay nais rin ni Rita na maging ehemplo sa iba pang Badjao na katulad na magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sarili.

CREDITS: Rita Gaviola| IG

“Gusto ko ipakita sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao,”pahayag ni Rita.

Dagdag pa nga nito,“Gusto ko ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo. Ipapagmalaki po namin yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.”

Hindi naman naiwasan ni Rita ang magkwento tungkol sa kanyang naranasang pang mamaliit ng ibang tao. At bilang isang Badjao nga ay may ilan na nangmamaliit sa kanila dahil sa iniisip umano ng mga ito na mahirap ang isang katulad niya. Dahil nga sa kulay ng kanilang balat, ay nakakatanggap rin ang kanyang katutubo ng panghahamak mula sa ibang tao.

CREDITS: Rita Gaviola| IG

“Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko?’ Kasi, di ba, nakatira kami sa tabing-dagat?”

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Parang minamaliit nila yung pagiging Badjao namin.”

Photo credits to the owner

Samantala, matatandaan naman na noong nakaraang taon nang ipahayag ni Rita sa publiko ang pangarap niyang maging isang beauty queen at mapabilang rin sa mga kandidata ng Miss Universe. Matagal na ngang pangarap ni Rita ito, at tila naman ang pangarap na maging beauty queen ay nabigyang katuparan na matapos niyang magwaging Sexy Babe nitong Huwebes.

Photo credits to the owner

Hind man nga sa Miss Universe nagwagi, ay hindi naman maipagkakaila na pinatunayan ni Rita ang kanyang husay hindi lamang nga sa pagrampa kundi pati na pagsagot ng mga katanungan dahilan para siya’y tanghaling panalong Sexy Babe.

error: Content is protected !!