Connect with us

Entertainment

“Baby is now a lady”: Panganay na Anak nina Doug Kramer at Chesca Kramer na Si Kendra Agaw Pansin ang Mala-Manikang Kagandahan

Hindi nakaligtas sa mata ng netizens ang taglay na kagandahan ng panganay na anak nina Doug Kramer at Chesca Kramer na si Kendra Kramer. Tila nga sa mabilis na paglipas na panahon, ang dating napakacute na bata na napapanood natin sa mga TV commercials, ngayon nga ay nagdadalaga na.

Kung noon nga ay giliw na giliw tayo sa ka-cutan ni Kendra, ngayon nga ay talagang mapapahanga tayo dahil lumalaki itong isang magandang dilag. Ngayon ay 12 taong gulang na si Kendra, at unti-unti nang nasisilayan ang kagandahan na namana niya mula sa kanyang inang si Chesca. Marami nga ang nagsasabi na magkamukha ang mag-ina, at maging pagdating sa pagdadala ng damit ay kuhang-kuha rin ni Kendra ang kanyang Mommy Chesca.

Kamakailan lamang nga ay naging laman ng social media si Kendra at naging usap-usapan ng netizens matapos niyang ibahagi ang kanyang magagandang larawan. Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Kendra ang kanyang mga kahanga-hangang larawan.

Sa nasabing larawan ay makikitang nakatali ang kanyang buhok at mapapansin na ang natural-looking niyang make up sa kanyang mukha. At makikita nga na sa mirror photo na ito ni Kendra ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Dalagang-dalaga na nga si Kendra sa kanyang suot, at kayang-kaya nang dalhin ang kanyang sarili sa kanyang mga OOTD.

Sa hiwalay namang post ni Kendra, ay makikita naman ang iba pa niyang larawan na nagpapatunay na lumalaki siyang taglay ang natatanging kagandahan. Dinagsa naman ng komento ng paghanga ang mga larawan ni Kendra, at karamihan nga sa mga ito ay inihalintulad ang maganda nitong mukha sa isang manika.

Nauna ngang nagkomento ang ninang ni Kendra na si Iya Vilania kung saan ay nag-iwan ito ng komentong “What a doll”.

Hindi naman nagpahuli ang kanyang Mommy Chesca sa pagbigay ng papuri at nagkomento ito ng:

“Love you, Kenny! I see you!!”

Sa mga sumunod namang post ni Kendra, ay makikita namang tila nasa loob siya ng clothing store sa isang mall at dito ay makikitang nakaawra ang dalagita suot ang kanyang all-white OOTD.

Maraming netizens naman ang talagang napahanga sa taglay na kagandahan ni Kendra. Narito ang ilang komento ng netizens:

“Bat ang perfect!!! Sobrang pretty naman..,naku maliit ka pa lang sinasabi ko na talaga. ‘Pag laki neto naku.. O ayan na.”

“Rooting for this girl for Miss Universe.”

“Kenny Girl, I’ve been following you since “I want to drink wine with papa” days. And just like that, so pretty and grown up. Me was like dugyot beauty man gihapun. Hahaha.”

Maliban kay Kendra ay may dalawang anak pa sina Doug at Chesca, ito ay sina Scarlett at Galvin.

error: Content is protected !!