Connect with us

Entertainment

Baby Dahlia Kinaaliwan ng mga Netizens ng Magviral ang Video nito na Tumutugtug ng Ukalele Habang Kumakanta ng “Twinkle, Twinkle Little Star”

Maraming mga celebrity baby ang kinagigiliwan ngayon, at isa na nga sa mga ito ay ang anak ng mag-asawang Ann Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia. Hindi naman maikakaila na tulad ng kanyang Mommy na si Anne, ay may angking karisma din si Baby Dahlia dahil sa kanyang taglay na kakyutan at kabibohan.

Photo credits Anne Curtis | IG

Magmula nga ng isilang si baby Dahlia ay madalas na siyang kaaliwan ng mga netizens, lalo na’t napaka-updated ng mommy niyang si Anne na ibahagi ang bawat milestone niya. Ilan nga sa mga nakakaaliw na milestone ni baby Dahlia na ibinahagi ni Anne ay ang unang advertisement ng anak at maging ang unang pagbabakasyon nila sa ibang bansa, at maging ang madalas na pakikipag-bonding nito sa pinsan nitong si Thylane (anak ni Solenn Heusaff at Nico Bolzico).

Samantala, nito lamang nakaraan ay muli na namang kinagiliwan at kinaaliwan ng maraming mga netizens si baby Dahlia, at ito nga ay matapos na ipamalas ng napaka-cute at adorable na chikiting na ito ang kanyang talento sa pagkanta habang  tumutugtog ito ng ukulele.

Makikita sa Instagram stories ng ama ni Dahlia na daddy Erwan ang pagbabahagi niya ng video ng kanyang anak kung saan mapapanood nga itong bibong kumakanta ng pambatang awitin na ‘Twinkle, Twinkle Little Star’.

Ang mas nakakaaliw pa nga, maliban sa ginagawang pagkanta ng 2-taong gulang pa lamang na si baby Dahlia ay ang ginagawa pa nitong pag strum ng string ng ukulele na tila nga alam na nito kung paano tugtugin ang naturang instrumento.

Kaagad namang nag-viral ang video na ito ni Baby Dahlia, matapos nga itong mai-repost sa ilang mga fan pages, at dito rin agad na bumuhos ang napakaraming papuri para sa napaka-cute at bibong chikiting.

Ilan nga sa mga komento ng mga netizens ay nagsabing maganda ang boses ni Dahlia at siyempre dahil nga sa ang ina nitong si Anne ay may mataas na boses rin naman talaga. Ang iba pa ay sinabi na talagang naaliw sila sa panonood kay Dahlia sa ginawa nitong pagkanta at pag-play ng ukulele.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“In fairness, she is in tune. But of course Mom Anne is a singer!”
“Musically inclined Dahlia.”
“Oh my goodness Dahlia! You’re such a darling. Sooo sweet and charming too. Oozing with cuteness.”
“Awwe Dahlia, you definitely have the talent of your Mama Anne and Papa Erwan. Such a joy to watch your videos. Good job.”
“Cute naman ng accent ni Dahlia.”

Matatandaan na maliban sa viral video na ito, ay may mga nakaraang video pa si baby Dahlia na kinaaliwan ng marami, at isa na rito ay ang cute video niya kung saan ay tila ginaya niya ang isang scene ni Ana sa pelikulang ‘Frozen’ ‘yong tagpo na kumatok siya sa pinto at nagtanong kay Elsa na , ‘do you want to build a snowman?’.

Ang video nga na ito rin ni Dahlia ay ini-upload ng Daddy niyang si Erwan sa Instagram story nito.

error: Content is protected !!