Connect with us

Entertainment

Baby Dahlia Amelie, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Ipamalas ang Talento sa Pagkilala ng mga Prutas

Ang napakacute na si Dahlia Amelie Heusaff na anak ng aktres na si Anne Curtis at asawa nitong chef-vlogger na si Erwan Heussaff, ay isa nga sa mga sikat na celebrity kids sa showbiz na kinagigiliwan ng marami.

Tanging good vibes nga ang hatid ni Baby Dahlia sa kanyang mga tagahanga. Bukod kasi sa nag-uumapaw niyang ka-cutan, ay hahangaan rin ang taglay niyang talento at kabibohan.

Sa murang edad nga ni Baby Dahlia na ngayon ay isang taon at apat na buwang gulang na, ay mas lalo pa ngang ipinapamalas ng cute na bata ang kanyang talento sa mga bagay na kanyang natutunan.

Photo credits: dahliaamelieee | IG

Minsan naman nang ibinahagi ni Anne, na mahilig sa mga libro si Baby Dahlia, at ang pagbabasa ang isa sa nagsisilbi nilang bonding moments. Hindi naman mapigilan ng mga netizens ang humanga at bumilib sa ipinapakitang talino ni Baby Dahlia. At kamakailan lamang nga, ay muli na namang humakot ng papuri ang munting bata matapos ipamalas ang katalinuhan.

Ang isang video na ibinahagi ng kanyang Daddy Erwan sa Instagram story ay talagang naghatid ng good vibes sa mga netizens si Baby Dahlia. Sa maikling video, ay makikita na may ipinapakitang prutas si Erwan kay Baby Dahlia para pangalanan. Kahanga-hanga naman dahil alam na ni Baby Dahlia ang pangalan ng bawat prutas. Maririnig nga sa munting tinig nito ang pangalan ng mga prutas na hawak ng kanyang ama. Ilan nga sa mga ito ay plum, apple, guava, at banana na paboritong kainin ni Baby Dahlia.

Matapos mapanood ng mga netizens ang kacutan ni Baby Dahlia sa nasabing video, ay inulan ito ng papuri at paghanga. Komento nga ng mga ito:

“super talino nman nyan si Dahlia Amélie”

“Oh my god ,so cute. good job dahlia”

“Plummmmmmmmm, so smart Dahling dahling!”

“So cute dahlia your learning a lot”

“pam (plum), galing galing ng baby girl dahlia cuuuute”

Samantala, sa isang post naman ni Anne ay makikita na tinutulungan ni Baby Dahlia sa kusina ang kanyang amang si Erwan. At nakakatuwa ang reaksyon nito sa paborito nitong prutas.

Talaga namang ang kacutan at kabibohan ni Baby Dahlia ay kinagigiliwan ng marami. At ito nga ay nakakapagbigay ng saya at good vibes sa kanyang mga tagahanga. Marami rin ang nakakapansin na kamukhang-kamukha ni Baby Dahlia ang kanyang Daddy Erwan na tila nga pinagbiyak na bunga.

Photo credits: dahliaamelieee | IG

Matatandaan na isinilang ni Anne ang kanyang anak na si Baby Dahlia noong ika-2 ng Marso 2020 sa Australia. Magmula naman nang dumating sa buhay nina Anne at Erwan si Baby Dahlia ay napuno ito ng saya at kulay.

error: Content is protected !!