Connect with us

Entertainment

Baby Dahlia Amelie 9 Months Old na! Mommy Anne Curtis, Proud na Ipinakita Ang Napakacute na Larawan ni Baby Dahlia sa Birthday Photoshoot Nito

Ang pagpasok ng buwan ng Disyembre ay nangangahulugan lamang na malapit na ang araw ng kapaskuhan. Ngunit, sa pagbubukas rin ng panibagong buwan, ay hindi rin syempre mawawala ang panibagong yugto sa buhay ng nakapacute na anak ni Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Amelie na ngayon nga ay 9 months old na.




Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Muli na namang pinanggigilan ng mga netizens ang nag-uumapaw na ka-cutan ng napakacute naman talagang anak ng aktres na si Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Baby Dahlia Amelie.

Ito nga ay matapos ibahagi ni Mommy Anne ang napakacute na larawan ni Baby Dahlia sa birthday photoshoot nito. Tila naman nahahasa ang talento ni Mommy Anne sa pagsasaayos ng mga disenyo bilang backdrop sa tuwing may photoshoot ang anak. Makikita naman kasi na napakaganda ng ayos nito, at tulad ng nakagawian ay makukulay na bulaklak ang naging backdrop ni Baby Dahlia sa kanyang photoshoot.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Samantalang ang asawa naman nitong si Erwan na isang vlogger at celebrity chef, ay tila naman naging instant photographer. Bagamat mahirap kunan ng larawan si Baby Dahlia, ay hindi naman ito sumuko na makunan ng magandang anggulo ang anak.

At sa pinagsama ngang talento ni Anne at ni Erwan, ay kanilang naisakatuparan ang matagumpay na photoshoot kung saan ay nakunan ng napakagandang larawan si Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Makikita nga sa larawang ibinahagi ni Anne sa Instagram ang napakacute na si Baby Dahlia habang nakasuot ng kulay puting dress at hawak ang isang balloon pump. Sa likod naman nito ang numero 9 na gawa sa makukulay na bulaklak.




Napakaamo ng mukha ni Baby Dahlia, na talagang napakasarap pagmasdan at hindi nakakasawang tingnan. Ganito inilarawan ni Anne sa kanyang caption ang anak.

β€œAy sus Ay suuuuuus naman. I will never get tired of looking into those sweet and beautiful eyes.
Happy 9th month to my daaahling Dahlia Amelie.
P.S – Will try and teach her that this month. Beautiful eyes!!! Achieve na ang peek-a-boo, close-open, arimunding-munding and a-line πŸ˜‹ What else am I missing? 😘
Photographer: papa @erwan Stylist, Set Design, Hype girl to her clingy-ness – Mummy”

Samantala, kung si Mommy Anne ay tuwang-tuwa sa maamong mukha at napakacute na anak, ang mga netizens naman ay hindi rin nakapagpigil na panggigilan si Baby Dahlia sa taglay nitong kacutan.

β€œHappy 9 months beautiful Dahlia πŸ˜β€οΈβ€
β€œAdorable Baby Dahlia 😍😍😍β™₯️β™₯️β™₯οΈπŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜β€

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Sa Australia isinilang ni Anne si Baby Dahlia noong Marso 2. Hanggang sa kasalukuyan naman ay masayang maninirahan ang pamilya sa Melbourne, Australia.

error: Content is protected !!