Connect with us

Entertainment

Baby Dahlia 10 Months Old na, Anne Curtis, Ibinahagi ang Beach Photo nilang Mag-ina sa Pagdiriwang ng Monthly Birthday ng kanyang Anak

Hindi na nga mapipigilan pa ang paglipas ng oras. Ang mabilis na paglipas ng panahon, ay nangangahulugan rin ng mabilis na paglaki ng mga munting bata.

Katulad na lamang nga ng napakacute na anak ni Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, na isinilang ng aktres noong ika-2 ng Marso 2020 sa Melbourne, Australia. Tila kaybilis ng panahon, dahil nito lamang ika-2 ng Enero, ay 10 months old na si Baby Dahlia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

At kamakailan, bilang pagdiriwang ng milestone na ito ni Baby Dahlia, ay ibinahagi ni Anne sa Instagram, ang isang larawang kuha sa beach ng Hayman Island kung saan makikitang hawak ni Anne si Baby Dahlia habang nasa ere.

Kung dati nga, sa tuwing sasapit ang buwanang kaarawan ni Baby Dahlia, ay makukulay na bulaklak ang nagbibigay kulay sa birthday photoshoot ni Baby Dahlia, ngayon naman ay masayang bonding moments ng mag-ina ang nakunan ng larawan.

Sa caption naman ng post ni Anne, kasabay ng pagbati ng Happy New Year, ay ibinahagi rin niya ang milestone ni Baby Dahlia, na ngayon ay 10 months old na. Hangad naman ni Anne ang maganda at masayang bagong taon na puno ng kabutihan, pagmamahalan at kapayapaan para sa lahat.

“Happy New Year and Happy 10th month to our little Dahlia. May 2021 be filled with kindness, love and peace. Wishing you all love and light and this new year takes flight. Big hugs and kisses to all of you.”

Pahabol naman ni Anne sa kanyang post, dahil walang fresh flowers sa lugar na kanilang kinaroronan ngayon, na gagamitin para sa dekorasyon ng photoshoot ni Baby Dahlia, ay twinning swimsuit na may disenyong bulaklak na lamang ang kanilang isinuot. Tiniyak naman ng aktres na sa susunod na linggo ay masisilayan ng kanilang mga tagahanga ang nakasanayang birthday photoshoot ni Baby Dahlia na gawa sa makukulay na bulaklak.

“Since we can’t get our hands on fresh flowers right now, we’ll have to settle for flowers on our twinning swimsuits. Our monthly tradition will have to wait till next week. Oh and HAPPY 16 million followers!”

Photo credits: Anne Curtis Smith | Instagram

Kinagiliwan na naman si Baby Dahlia ng kanyang mga tagahanga, dahil sa taglay nitong kacutan na tuwang-tuwa sa ginawa ng kanyang Mommy Anne. Marami namang netizens ang natuwa sa mag-ina sa masaya nilang bonding.

error: Content is protected !!