Connect with us

Entertainment

Baby Boy Nina Viy Cortez at Cong TV na si Kidlat, Kinagiliwan ng mga Netizens ang Labis na Kakyutan sa First Photoshoot Nito

Hindi napigilan ng mga netizens ang maaliw at panggigilan ang labis na kakyutan ng baby boy nina Viy Cortez at Cong TV na si baby Kidlat matapos ilabas ng sikat na couple vlogger sa social media ang mga cute na cute na larawan ng kanilang anak sa naging first photo shoot nito.
Sa ibinahagi sa social media ng first-time parents ay makikita ang iba’t ibang mga kagiliw-giliw na larawan ng natutulog nilang anak na si baby Kidlat na kuha sa iba’t ibang mga layouts.

Photo credits: Zeusemmanuelvelasquez | IG

Isa sa mga cute na larawan ni baby Kidlat ay ang kuha habang siya ay nakadapa sa isang basket na mayroong sapin. Napaka-cute naman talaga ni Kidlat, lalo na sa outfit nito na mayroon pang salamin at sombrero.

Kagiliw-giliw din ang larawan ni Kidlat na natutulog sa isang upuan na kulay ginto, at ang background nito ay mayroong gold thunderstorm o kidlat na kulay ginto, animo’y isang prinsipe na mahimbing na nagpapahinga.
Mayroon ding larawan ang napaka-cute na anak nina Viy at Cong TV na tila ito’y isang batang musician dahil sa habang mahimbing natutulog ay nakangiti ito at may katabi ngang gitara.

Photo credits: Zeusemmanuelvelasquez | IG

Cute na cute din si baby Kidlat sa kanyang larawan na kuha habang siya’y natutulog sa isang red toy car. Nagmistula ngang napagod na driver si Kidlat sa kanyang pose sa larawan niyang ito.
Samantala, nakasaad sa social media post na ang Aljenworks Photography ang kumuha ng mga adorable photo ni baby Kidlat, at ito ay ginanap bago ipagdiwang ang first-month birthday ng naturang sanggol.

Bumuhos naman ang napakaraming komento mula sa mga netizens sa mga cute at nakakagiliw na larawan na ito ni baby Kidlat. May iba na nagsabi kung gaano ka-cute si Kidlat na tinawag pa itong Little Cong, at komento naman ng ilan ay talagang pinaghalo ang mukha nina Viy at Cong TV sa napaka-cute na hitsura ng kanilang anak.

Photo credits: Zeusemmanuelvelasquez | IG

“Little Cong! Cute”, komento ng isang fan sa Facebook.
“Mixture talaga ni Cong at Viy”, saad naman ng isang netizens.
“Soooo adorable baby boy”, komento naman ng isa.

Photo credits: Zeusemmanuelvelasquez | IG

Buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon ng isinilang ni Viy ang first child nila ng partner niyang si Cong TV, na isang napakalusog na baby boy na tinawag nilang si baby Kidlat.
Matatandaan naman na buwan ng Disyembre noong nakaraang taong 2021 ng i-anunsyo nina Viy at Cong ang tungkol sa pagbubuntis ni Viy, ito ay makalipas nga ang halos isang taon matapos nito makunan sa dapat ay magiging panganay nilang anak.

error: Content is protected !!