Connect with us

Stories

Baby #3 is coming: Andi Eigenmann, Masayang Inanunsyo na Magiging Mommy of 3 na Siya sa Susunod na Taon

Ang dating aktres at ngayon nga ay vlogger na si Andi Eigenmann ay masaya ng namumuhay sa isla ng Siargao sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo kasama ang kanyang dalawang anak na sina Ellie at Baby Lilo.
Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie ay anak niya sa dating kasintahan na si Jake Ejercito, samantalang si Baby Lilo naman ay panganay na anak nila ng partner na si Philmar. Masayang-masaya ang pagsasama nina Andi at Philmar na lalo namang naging masaya’t makulay dahil sa kanilang mga anak.



Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Samantala, kamakailan lamang, nang magdiwang ng kaarawan si Philmar, ngunit hindi nito nakasama ang kanyang mag-iina sa kanyang espesyal na araw dahil kasalukuyang nasa Metro Manila ang mga ito at hindi makauwi dulot ng lockdown. Bagama’t, hindi nakauwi sa Isla sina Andi, ay may espesyal naman itong regalo para sa kaarawan ng kanyang partner na idinaan niya sa kanyang vlog.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram  

Sa latest vlog nga ni Andi sa Youtube Channel na Happy Islander, masaya niyang binati si Philmar na sinubukan pang magsalita ng Siargaonon kahit nahihiya at kinakabahan. Hindi naman ito naging hadlang upang iparamdam ng dating aktres ang kanyang pagmamahal at ipahayag ang kanyang nakakaantig na mensahe para kay Philmar.



“Happy birthday mahal ko. We miss you so much. I hope we get to go home to the island soon so we can be together again and we can celebrate your birthday together.”

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Nagpasalamat naman si Andi kay Philmar sa pagbibigay nito sa kanilang mag-iina ng masaya at magandang buhay na tila sila’y namumuhay sa isang paraiso. Hindi naman, maikakaila ang labis na pagmamahal ni Andi sa kanyang partner at nagbigay pa ito ng munting kahilingan para kay Philmar.

“I hope you are also happy to have us in your life. To have me. I hope you’ll always be happy. And that you’ll keep inspiring everyone to work hard every day to achieve their dreams. And your dreams for your family. We’re almost there about to reach them.”

Sa huling bahagi naman ng vlog ni Andi, ay may nakahanda siyang surpresa para kay Philmar. Bagama’t, hindi magkasama, ay makikita naman na excited si Andi na ipahayag ang magandang balita sa kanyang partner. At ang special surprise birthday gift nga ni Andi kay Philmar, ay ang pagbubuntis niya sa bagong islander ng kanilang pamilya. Ito nga ang kanyang Baby # 3, na magiging pangalawang anak naman nila ni Philmar.

“We can’t wait to go back there and be complete again soon with you, me, Ellie, Lilo and our newest happy islander on the way. I am so happy to be building this family with you and I hope you consider this an amazing gift for you on your birthday”.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Proud na proud namang ipinakita ni Andi ang kanyang umuumbok ng baby bump sa harap ng camera. At ang munting anghel ay masisilayan nila sa susunod na taong 2021. Tiyak na masayang-masaya si Philmar sa araw ng kanyang kaarawan dahil may bagong biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!