Connect with us

Entertainment

”Ayoko nang paligoy-ligoy pa”: Iza Calzado, Ibinahagi ang Nakakakilig na Love Story nila ng kanyang British Husband na si Ben Wintle

Pagdating sa usapang love life, ang isa sa nais malaman at pumupukaw ng ating interes sa love story ng dalawang taong nag-iibigan ay kung paano sila nagkakilala at kung paano sila nahulog sa isa’t isa. Iba-iba ang paraan ng bawat isa sa atin kung paano natin natagpuan ang taong magbibigay saya at kulay sa ating buhay. May ilan nga, na nagkakilala sa social media, may nagsimula sa pagkakaibigan at mayroon din namang pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa isang tao. May mga pagkakataon naman na sa unang sulyap pa lang ay alam na natin na sila ang taong nakatadhana para sa atin.




Katulad na lamang ng love story ng aktres na si Iza Calzado at British husband nito na si Ben Wintle na tila sa isang ‘love at first sight’ nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Photo credits: benmwintle | Instagram  

Kamakailan nga, nang bumisita ang mag-asawang Iza at Ben sa programang “Magandang Buhay”, ay masaya nilang ibinahagi ang nakakakilig na kwento kung paano sila nagkakilala at kung pano nagsimula ang kanilang pag-ibigan.

Photo credits: benmwintle | Instagram

Nagsimula umano ang kanilang pag-iibigan sa isang event kung saan naghost si Iza. At sa galing nga ni Iza sa paghohost ay nabighani umano si Ben, lalo na sa taglay na kagandahan ng aktres. Samantalang nakita naman ni Iza ang matangkad at gwapong si Ben, kasama ang isa ring gwapo at matangkad na lalaki na kapatid pala nito. At sa unang sulyap na nagtama ang kanilang mga mata ay tila may kakaiba na silang naramdaman.

Photo credits: benmwintle | Instagram

Bigla na lang umanong lumapit si Ben kay Iza at sa pamamagitan nga ng kanilang mutual friend na si Isabelle Daza ay ipinakilala sila sa isa’t isa. Ayon naman kay Iza, ay baka nakita siya nitong nakatingin kaya ito lumapit. Ngunit, unang kita palang pala ni Ben kay Iza ay nais na niya itong makilala. Kaya naman, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ben na makausap at hingin ang facebook account ni Iza. At si Iza naman ay hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa, dahil sa halip na facebook account ang ibigay ay mismong number na ng kanyang telepono ang ibinigay niya kay Ben.




Photo credits: benmwintle | Instagram

At katulad nga ng inaasahan, unang nagtext kay Iza si Ben na talaga namang ipinaramdam na agad ang pagkagusto sa aktres. Doon na nga nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap hanggang sa tuluyan na silang nahulog sa isa’t isa. At matapos ang dalawang buwang pagpapalitan ng mensahe at pagpaparamdam ni Ben, ay hindi na nag-alinlangan pa si Iza na ibigay ang kanyang matamis na ‘Oo’ kay Ben.

Photo credits: benmwintle | Instagram

At ngayon nga, ay masaya na silang nagsasama bilang mag-asawa na talagang mahal na mahal ang isa’t isa. Matatandaan na noong Disyembre 19, 2018 ginanap ang pag-iisang dibdib nina Iza at Ben sa isang beach wedding sa Coron, Palawan.

error: Content is protected !!