Connect with us

Entertainment

“Ayoko na ng sakit sa ulo”: Bea Alonzo, Inamin na Ayaw ng Makipagrelasyon sa Kapwa Artista

Walang pag-aalinlangan ang naging kasagutan ng aktres na si Bea Alonzo sa kanilang kwentuhan sa vlog ng singer at komedyanteng si Ethel Booba na pinamagatang “ONE ON ONE INTERVIEW WITH BEA ALONZO” (time is the ultimate truth teller!!!) noong Marso 11.




Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

Ito nga ay matapos maganap ang pag-amin ng ex-boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson sa relasyon nila ng aktres na si Julia Barretto. Naging viral ang caption ni Bea sa kanyang post na “Time is the ultimate truth teller” dahil ang tadhana na ang nagtakda ng panahon upang maihayag kung anuman ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.

Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

Samantala, unang natanong ni Ethel kay Bea, kung kailan balak lumagay sa tahimik ng aktres upang bumuo ng sariling pamilya. Saad naman ng 33 taong gulang na aktres, ay kung maaari sana ay nais na niya na sa loob ng tatlong taon ay magawa na niya ito. Ngunit, hindi naman ito ganun kadali dahil wala pa naman siyang natatagpuang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.

Sa halip nga, ay mas nais pa ni Bea na magkababy na lamang, kahit walang lalaki sa buhay niya.

Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

“Pero, siyempre di naman natin alam ang buhay, sabi ko nga kahit may donor na lang ng ano para kahit wala kang lalaki. Gusto ko na magka-baby.”




Ang bagay na ito ay sinang-ayunan naman ni Ethel na isa na ring ina sa kanyang isang taong gulang na anak. Komento naman ng komedyante, ay sana raw ay isang matino at responsableng lalaki ang matagpuan ni Bea upang makasama niya habang buhay.

Dito na nga inamin ni Bea na ayaw na niyang makipagrelasyon sa kapwa artista dahil sakit sa ulo lamang ang ibinibigay nito sa kanya.

Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

“Oo, yung hindi masakit sa ulo. Ayoko na ng sakit sa ulo. Ayoko na, pagod na pagod na ako sa sakit sa ulo.”

Ayon nga sa aktres, kung maaari ay huwag tumibok ang puso niya sa isang artista kasi hindi naman masabi kung kanino umano titibok ito. Ngunit, biro naman ng aktres, ay pwede ring dating artista ang kanyang susunod na maging boyfriend, basta hindi na ito mag-aartista.

Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

“Preferably, sana hindi celebrity, kasi mahirap, e. Pero, puwede naman pag hindi na mag-aartista.”

“Pero, siyempre hindi mo naman mapipili kung saan titibok ang puso mo, pero sana nga hindi na celebrity. Ayoko na ng celeb, halos lahat ng relasyon ko celebs, e, so try nating hindi.”

Nagawa pang magbiro ni Bea kay Ethel na kapag wala na talaga siyang makitang matinong lalaki na makakasama niya sa buhay o kaya naman ay hindi na mabuntis, ay magpapa-surrogate na lamang umano siya.

Photo Credits: Youtube.com | Ethel Booba

“Kapag hindi pa ako mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ako.”




Minsan naman nang nalink si Bea sa Kapamilya actor na si Dominic Roque, ngunit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na pahayag ang dalawa sa anumang ugnayan nila.

Photo Credits: Google.com

Napag-usapan rin sa nasabing vlog ni Ethel ang patungkol sa pagpili ng kaibigan ni Bea sa industriya ng showbiz. Ayon nga kay Bea, ay nagiging maingat na siya kung sino ang mga taong kanyang kakaibiganin. At hanggang maaari ay umiiwas na siya sa mga toxic na tao, kung saan ay pinipili na lamang niya ang taong nais niyang makasama.

 

error: Content is protected !!