Connect with us

Entertainment

Awra Briguela, Ipinasilip Ang Bago At Napakagandang Tirahan Ng Kanyang Pamilya na Kanyang Naipundar

Ang kwento ng buhay ng dating child star at isa na ngayon sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz na si Awra Briguela, ay talaga namang “rags to riches”. Isang kwento ng tagumpay ang nasaksihan ng marami sa buhay ni Awra.

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami na dating naninirahan si Awra kasama ang kanyang pamilya sa isang maliit na bahay sa “squatter area”. Ngunit, dahil sa kanyang kasipagan, at pagsusumikap, ay natupad na nga ang pangarap niyang magkaroon ng isang bago at napakagandang bahay para sa kanyang pamilya.

At kamakailan lamang nga sa isang vlog kung saan nakasama niya ang journalist na si Karen Davila, ay masayang ipinasilip ni Awra ang bago at napakagandang bahay na kanyang naipundar na matatagpuan sa isang subdivision.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Hindi nga mailarawan ni Awra ang kanyang kaligayahan dahil ngayon nga ay nakatira na sila ng sama-sama sa isang napakaganda at maaliwalas na bahay. Ayon nga kay Awra, ay malayong-malayo ang bahay nila ngayon na nasa isang subdivion kumpara sa dating bahay nila sa squatter area.

“Super happy po. Kasi ‘yung pinanggalingan namin, super iba talaga dito. [Nasa] squatter area po talaga kami before. Ngayon iba na kasi secured na kami sa subdivision, ‘yung bilang lang ‘yung nakakapasok. Tapos sobrang ganda pa ng house,”saad ni Awra.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Masayang inilibot ni Awra si Karen sa loob ng kanilang bahay na kung ilarawan nga ng dating child star ay sobrang ganda. Sa bawat bahagi nga ng bahay kung saan makikita ang taglay na ganda nito, ay talagang napahanga si Karen.

Samantala, kwento pa ni Awra ngayon nga nakalipat na sila sa bagong bahay, ay sabay-sabay na sila kung kumain. At hindi daw tulad ng dati na agad nilang nakikita ang mga tao sa kanilang bahay, ngayon raw ay kailangan pa nilang sumigaw para makita ang taong hinahanap dahil sa laki ng bahay nila.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Masayang-masaya nga si Awra dahil ang paparating na pagdiriwang ng pasko at bagong taon, ay sama-sama nilang sasalubungin sa kanilang bago at napakagandang bahay.

“Super happy po talaga ako kasi this Christimas and New Year, sasalubungin namin ‘yung bagong taon na maganda ‘yung house namin.”

“Matagal ko na pong pangarap na mapatayuan ng ganitong bahay ‘yung family ko. Without my uncle, hindi po namin lahat matutupad ito.”

Kapansin-pansin naman na sa bawat sulok ng bahay ay makikita ang mga tropeyo at ilang parangal na natanggap ni Awra na nagpapatunay ng kanyang talento. Tila naman magandang impluwensya ang TV host at komedyante si Vice Ganda kay Awra dahil natuto narin ang teen star na mag-invest sa mga bagay na malaki ang balik sa kanya. Pati na rin nga pag-iipon ng pera ay nagagawa na rin ni Awra ngayon.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Pagbabahagi pa nga ni Awra, ang bahay na napanalunan niya sa “Your Face Sounds Familiar” ay hindi pa niya naibebenta dahil pinapataas pa niya ang value para maibenta sa mas mataas na halaga.

error: Content is protected !!