Connect with us

Entertainment

Aubrey Miles Pangarap Maging Beauty Queen Ang Bunsong Anak Nila Ni Troy Montero Na Si ‘Rocket’

Published

on

Masasabing pangarap ng isang ina ang isang magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak. At handa silang suportahan ang mga anak sa anumang mga landas na tatahakin patungo sa kanilang magandang kinabukasan.



Kamakailan lang ay ibinahagi ng proud mommy at magandang aktres na si Aubrey Miles ang natatanging pangarap para sa kanyang 10 buwang anak na si ‘Rocket’. At ayon pa sa kanya pinangarap niya rin dati na maging ‘beauty queen’ kung kaya ngayon nais niyang ang anak naman ang siyang magtuloy ng naudlot na hangarin.

Sa katunayan kahit baby pa lang ang bunso nila ni Troy Montero ay inihahanda na niya ang anak para dito,

“Ngayon pa lang minamasahe ko na yung mga legs niya para long legged tapos kinakantahan ko siya ng mga kung anu-ano”

pagbabahagi pa ng aktres sa isang interview sa kanya.

Ibinahagi din niya sa isang panayam ang mga gagawing paghahanda para sa anak katulad ng pag-iingat ng kutis ng bunso dahil ang mga beauty queen ay alagang-alaga ang balat maging ang ngipin nito ay kanyang aasikasuhin,

“Yung ngipin kailangang alagaan, kasi ito na eh, may mga beauty queen potential tayo”

sagot pa niya sa naturang panayam.



Ipinahayag din sa nasabing interview ng 39 taong gulang na aktres na bago pa dumating sa kanilang mag-asawa ang bunsong si Rocket nakunan siya ng dalawang beses,

“Nagtry ako for three years and alam mo yon, sobrang disappointing yung first year, tapos… Alam mo yung… tapos magkasunod pa, so sabi ko, parang Ano ba yan?”

Sa kabilang banda sinabi ng aktres na isang pagpapala talaga sa kanilang mag-asawa ang bagong miyembro ng kanilang pamilya dahil hindi niya talaga inaasahan na magbubuntis pa dahil na rin sa kanyang edad.

Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong anak ang panganay niyang si Maurie na anak niya sa dating kasintahan, si Hunter anak niya sa asawang aktor na si Troy Montero at ngayon ang anghel nilang si Rocket kung saan nais niya itong maging beauty queen balang araw.

error: Content is protected !!