Connect with us

Entertainment

Aubrey Miles, Kumita Ng P850,000 Sa Pagbebenta Ng Kanyang Mga Halaman Na Siya Mismo Ang Nag-alaga

Marami sa atin ang nalibang sa pag-aalaga ng samu’t saring mga halaman sa gitna ng quarantine. Ngunit, ang ilan nga ay hindi lamang ito ginawang libangan dahil habang nag-aalaga ng kanilang halaman ay kumikita rin sila sa pagbebenta nito.

Photo credits to the owner

Katulad na lamang ng aktres na si Aubrey Miles na kahit abala sa bilang isang hands on mommy sa kanyang tatlong anak na sina Maurie, Hunter at Rocket ay may oras parin siya sa pag-aalaga ng kanyang mga halaman. Sa katunayan nga nito, sa halos 100 pirasong halaman ni Aubrey ay isa nga siyang tunay na “plant mama”.

Photo credits to the owner

At halagang nag-iinvest naman sa pag-aalaga ng napakaramang halaman, na hindi naman basta-basta ang halaga, ay kumikita naman siya sa pagbebenta nito kung saan nga ay naging negosyo na rin ito ng aktres. Pagbubunyag naman ni Aubrey sa Smartparenting, nakatuon ang kanyang pansin sa pag-aalaga ng mga rare plants at mga halaman na talagang kinokolekta.

“Right now, because I’m selling, I’m collecting ‘yung mga medyo rare and collectibles na medyo mahal na. But I still like ‘yung mga Albo, mga variegated monstera.”

Photo credits to the owner

Dahil nga sa dami ng kanyang naibebenta ay talagang nakakalikha siya ng pera mula sa kanyang mga inaalagang halaman kung nga ay daang libong piso ang kanyang kinikita. Ibinahagi naman ni Aubrey na inaral niya talaga ang propagation ng mga halaman para mas maging maayos at mapadali ang pagpapalago niya ng mga ito. At sa ganitong paraan nga, ay mabilis rin ang pasok ng pera sa kanyang negosyo.

“Propagation is [when] you cut them and then you grow. So I sell them to get my money back.”

“Would you believe, I sold — well, actually every month I sold one plant for Php850,000. Grabe, di ba? So sabi ko, ‘I can sit in my plant. Just look at them, cut them and then, earn money.’”

Photo credits to the owner

Marami na ring karanasan si Aubrey pagdating sa pag-aalaga ng mga halaman, kung kaya’t alam na alam na rin niya ang mga halaman na bagay sa mga busy mommies. Ito nga ang mga halaman na hindi kinakailangan ng madalas na pagdidilig. Katulad na lamang green monstera, yucca at snake plants.

“The green monstera because they’re drought tolerant, so you don’t need to water them everyday. So drought tolerance means they can take kahit dry na yung lupa, then you water them.”

“I also like, yucca. Yucca is a chunky tree so parang desert plant din siya. So, less watering.”

Photo credits to the owner

Pagdating naman sa kanyang alagang snake plant ay ibinahagi ng aktres na gustong-gusto nito ang sikat ng araw at hindi kailangang diligan araw-araw.

“I always advice for moms na busy, na ayaw nilang masyadong mag-care, ganun, snake plant.”

Photo credits to the owner

“Ang snake plant, they like sun– they like sun so if you have a window na maaraw, hindi direct sun. But usually, yung ganyan they like it direct pa. Pero if you wanna train them, kailangan sa talagang window na maaraw tapos you water them less kasi… mag-i-spot-spot, kapag sumobra ‘yung tubig.”

error: Content is protected !!