Connect with us

Entertainment

Aubrey Miles At Troy Montero, Engaged Na Sa Isa’t Isa Matapos Ang 18 Years Nilang Pagsasama

Matapos ang 18 na taong pagsasama, sa wakas nga ay mauuwi rin sa kasalan ang pagsasama ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Nito lamang ika-22 ng Marso ay masayang ibinahagi nina Aubrey at Troy sa kanilang Instagram ang magandang balita. Nauna ngang ibinalita ni Troy sa kanilang mga fans na inalok na niya ng kasal si Aubrey matapos ang 18 na taong pagsasama. Ang nakakakilig namang proposal ni Troy sa kanyang napakaganda at napakaseksing partner ay naganap sa isla ng Boracay habang sila’y masayang nagbabakasyon.

Photo credits: Aubrey Miles| IG

Ang sweet photo nilang dalawa hababg nasa gitna ng napakagandang tanawin na hatid ng paraisong isla ng Boracay ay nilakipan naman ni Troy ng caption na:

“Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!”

Sinamahan rin niya ito ng hashtag na “#SheSaidYes” at “#engaged.”

Samantala, hindi naman maitago ni Aubrey ang kanyang kilig sa kanyang post matapos niyang ibahagi sa Instagram nito lamang ika-23 ng Marso na sila nga ni Troy opisyal nang engaged sa isa’t isa. Labis rin nga ang saya ni Aubrey dahil sa matagal na panahong pagsasama, sa wakas nga ay engaged na sila sa isa’t isa, at maikakasal na rin.

Photo credits: Aubrey Miles| IG

“Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand,” saad niya sa kanyang Instagram post.

“It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said ‘Thank you and YES!”

Natatawa namang naikwento ni Aubrey na dahil sa kanyang excitement, ay mas nauna pa siyang mag-thank you nang makita ang singsing sa halip nga na ibigay muna ang matamis niyang “Yes”.

Photo credits: Aubrey Miles| IG

“Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago Yes,” natatawang dagdag ni Aubrey.

Matatandaan naman na noong May 2021, nang unang aminin ni Aubrey sa publiko na plano na talaga nilang magpakasal. Ngunit, dahil nga sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay naantala ang kanilang plano. Pag-amin pa nga ni Aubrey, ay siya raw mismo ang nagbukas ng usapin tungkol sa ka kanilang pagpapakasal.

Photo credits: Aubrey Miles| IG

Kuwento ni Aubrey sa Magandang Buhay, “Easy lang. ‘You know what? It’s time na,’ ako talaga nagsabi. Sabi niya, ‘Oo nga, ‘no?’ Parang casual lang. ‘Sige, let’s do it in this place na malayo.”

Nasa plano na raw ang lahat, kung saan nga ay nakatakda sana silang ikasal noong Abril 2020 sa Batanes sa pamamagitan ng intimate wedding ceremony ngunit dahil sa pandemya ay nagpasya silang ikansela muna ito. Hanggang sa na-move ng ilang buwan at hindi na nga natuloy.

Photo credits: Aubrey Miles| IG

Sa ngayon nga ay masayang nagsasama sina Aubrey at Troy kapiling ang kanilang dalawang anak na sina sina Hunter at Rocket. Maliban sa mga anak kay Troy, ay may anak rin si Aubrey sa kanyang dating karelasayon na si JP Obligacion. Siya naman si Maurice na 21 taong gulang na ngayon.

error: Content is protected !!