Connect with us

Entertainment

Ating Kilatisin ‘Mother’ Figure Ni Sylvia Sanchez Sa Kanyang Pamilya Sa Likod Ng Kamera

Published

on

Kilala nating magaling na artista sa mundo ng showbiz kung saan nabibigyan niya ng mahusay na pagganap ang bawat karakter na sa kanya ay matatapat. Palaban sa bawat eksenang kailangan ng tarayan na handa talagang ipaglaban ang katotohanan.



Sa galing ni Josette Campo-Atayde na kilala natin bilang Sylvia Sanchez sa industriyang kinabibilangan marami na siyang palabas na pinagbidahan mula ng magsimula ang karera noong dekadang 80s. Ilan nga dito ay tumatak sa ala-ala ng mga manunuod gaya ng “Esperanza” kung saan gumanap siya bilang kontrabida na nagpahirap sa bidang si Esperanza.

Sa kasalukuyan araw-araw nating napapanuod siya sa programang “Pamilya Ko”na nagtatampok sa madamdamin at makulay na istorya ng isang pamilya.

ilang si “Luzviminda Magbunga” ng Kapamilya telerserye, isang masipag na ina na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya na talaga namang bidang bida ngayon sa mga manunuod dahil sa makabuluhang mensahe ng palabas.

Tuwang tuwang ibinahagi ng aktres na malaki ang pasasalamat niya sa Diyos sa panibagong proyektong natanggap. Ayon pa sa aktres nagkatotoo na naman ang kanyang panalangin. Ang makagawa ng palabas na makakapagbigay ng magandang leksiyon sa mga manunuod na ayon pa sa kanya ay nagbibigay ng kabuluhan sa pagiging artista niya,



“Sinabi ko talaga sa Diyos, Thank You. Basta bigyan Mo lang ako ng role na makakapagbigay ng leksyon ng aral sa lahat ng tao” paliwanag pa ni Sylvia.

Sa kabilang banda masasabing bagay na bagay talaga ang kasalukuyang role na ginagampanan niya dahil katulad ng katauhan niya sa Kapamilya teleserye hindi ito nalalayo sa kanyang pagiging ina sa kanyang pamilya. Katunayan lamang nito ay ang kanyang apat na anak na nagabayan niya ng husto sa kanilang personal na buhay.

Lingid sa nakakarami dalawa sa apat na anak ng “La Luna Sangre”aktres ay kilalang artista na rin sa showbiz sila ay sina Arjo at Ria Atayde na tulad ng kanilang ina ay magaling din na artista. Samantala wala namang hilig sila Gela at Xavi sa industriyang kinabibilangan ng Ina at mga kapatid dahil sa ngayon ay abalang-abala pa sa kanilang pag-aaral.

Sa kabilang banda masaya ang 48 taong gulang na aktres para sa kanyang mga anak sa itinatakbo ng kanilang mga career para kay Arjo Atayde na naging bahagi ng Kapamilya show na “The Generals Daughter” at Ria Atayde sa palabas na “Parasites Island”ng GMA.



Ibinahagi din ng aktres kung paanong napanatili niya ang magandang samahan nilang mag-asawa. Ayon pa sa kanya hindi nila pinagtatagal ang anumang hindi nila pagkakasundo bagkus ay inaayos agad nila ito,

“Ang ginagawa naming.. lagi naming sinasabi na ayusin natin. Ako, lagi kong sinasabi ko sa asawa ko na, Ako, I want to grow old with you” sabi pa ng aktres.

Ganoon din ba ang gagawin ng award winning na aktres sa kasalukuyang ginagampanan na role bilang “Luzviminda” magawa niya kayang patawarin ang asawang nagawang pagtaksilan siya?

error: Content is protected !!