Connect with us

Entertainment

Ating Balikan ang mga Naggagandahan at Nagseseksihang Aktres Sa Showbiz Na Binansagang Pantasya Ng Bayan Noong Dekada 90 Hanggang Taong 2000

May mga sikat na artista sa showbiz ang na talagang nakilala at tumagal sa larangan na hanggang sa kasalukuyan ay napapanood parin ng publiko. May ilan naman na pansamantala lamang ang ningning ng karera hanggang sa huli nga ay tuluyan nang iniwan ang showbiz.

Ngunit, sa kabila nito ay hindi naman maitatanggi na ang kanilang husay sa pag-arte sa mga pelikulang ginawa ay tumatak sa kanilang mga tagahanga. At masasabi nga na talagang nakilala sila ng husto ng publiko dahil sa mga mapangahas nilang role. Ating kilalanin ang mga magagandang aktres na taglay ang nag-uumapaw na kaseksihan at binansagang pantasya ng bayan noong dekada 90 hanggang taong 2000.

PRISCILLA ALMEDA

Marami ang pinahanga ng maganda at seksing aktres na si Priscilla Almeda. Bago makilalang isang seksing aktres sa showbiz ay isa muna siyang teen star na nakilala bilang si Abby Viduya. At noong taong 1992 ay naging katambalan niya sa mga pelikula ang mga gwapong aktor na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso sa Gwapings: The First Adventure.

Ngunit, matapos nga nito ay sumabak na siya sa pagpapaseksi kung saan nga ay nakilala na siya sa kanyang pangalan na Priscilla Almeda. At sa pelikulang “Sutla” ay wala siyang inurungan kung saan nga ay talagang bigay todo sa matinding hubaran.

Photo credits: google.com

Sa ngayon masayang naninirahan si Priscilla sa Alberta, Canada kasama ang kanyang pamilya. Siya ay biniyayaan ng 3 magagandang anak na babae.

Ilan naman sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik (1995), Sariwa (1996), Tukso Layuan Mo Ako 2 (1996), Sutla (1999), at Syota ng Bayan (2001).

ALECK BOVICK

Photo credits: google.com

Isa rin sa hinangaan ng marami pagdating sa pagpapaseksi ay si Aleck Bovick. Matapos isilang ang kanyang anak sa actor-producer na si Carlo Maceda noong 2007, ay muling bumalik si Aleck sa industriya ng showbiz. Sa kanyang pagbabalik ay nagkaroon siya ng maraming teleserye katulad na lamang nga ng Be Careful With My Heart (2012), Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015), FPJ’s Ang Probinsyano (2016 to 2017), at Kadenang Ginto (2019).

YNEZ VENERACION

Photo credits: google.com

Bumida ang aktres na si Ynez Veneracion sa mga seksing pelikula tulad ng Sa Paraiso ni Efren (1999) at Alindog ni Barbara (1999). Sa ilang taong lumipas ay nananatili paring aktibo sa showbiz at nagkaroon ng proyekto sa GMA at ABS-CBN. Noong 2016 ay napanood siya sa teleseryeng The Greatest Love. Noonh 2019, ay naging bahagi siya ng pelikulang Jesusa kung saan nakasama niya ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez

Noong October 2019, ay nasaksihan ng marami ang talento ni Ynez sa pag-awit matapos niyang sumali sa celebrity champions edition ng It’s Showtime sa “Tawag ng Tanghalan” segment.

JOYCE JIMENEZ

Photo credits: google.com

Ang napakagandang at nag-uumapaw sa kaseksihan na si Joyce Jimenez, ay ang orihinal na binansagan na “Panstasya ng Bayan”. At matapos ang matagumpay niyang karera sa showbiz, ngayon nga ay masaya na siyang naninirahan sa California, U.S.A., kasama ang kanyang Fil-Am husband na si Paul Ely Egbalic. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Jorja Ely,Jaysen Elise, at Julian Elysson. Maliban sa pagiging full time mommy at blogger, isa na rin siyang fitness enthusiast.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Scorpio Nights 2 (1999), Warat (1999), Narinig Mo Ba Ang Latest? (2001), at Ano Bang Meron Ka? (2001).

ROSANA ROCES

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo parin sa showbiz si Rosana Roces o mas kilala ng lahat bilang Osang. Ilan sa kanyang mga naging pelikula na walang inurungan sa pagpapaseksi ay Patikim Ng Pinya (1996), Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997), Ang Babae Sa Bintana (1998), Curacha Ang Babaeng Walang Pahinga (1998), at La Vida Rosa (2001).

KATYA SANTOS

Bago pa man sumabak sa pagpapaseksi at maging miyembro ng Viva Hot Babes, ay sumabak muna siya sa pag-arte bilang kontrabida sa teen drama na Anna Karenina. Nasa ilalim parin ng management ng Viva si Katya para gumawa ng mga pelikula. Nakasama naman niya sina Liza Soberano at Enrique na magtungo sa Croatia para sa shooting ng Make It With You.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ito naman ang kanyang mga naging pelikula pagdating sa pagpapaseksi: Keka (2003), at Boso (2005).

MAUI TAYLOR

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Hanggang ngayon ay nakakasama parin ni Maui Taylor sa paggawa ng pelikula si Rosana Roces. Si Maui ay tulad rin ni Katya na isang teen star bago maging miyembro ng Viva Hot Babe kung saan ay naging bahagi ng TGIS at Anna Karenina. Ang mga naging pelikula naman ni Maui sa pagpapaseksi ay Gamitan (2002), Ang Huling Birhen Sa Lupa (2003), at Torotot (2008).

error: Content is protected !!