Connect with us

Entertainment

Ate Ni Ella Cruz, Napakaganda Na, Mapagmahal At Very Supportive Pa

Published

on

Isa sa magandang dulot ng pagkakaroon ng pamilya, ay ang pagkakaroon ng kapatid. Dahil ang kapatid ang nagsisilbi nating kaibigan, kakampi at karamay sa anumang problema. Maliban sa ating mga magulang, kapatid ang ating nilalapitan lalo na kung pagdating sa usapang pag-ibig, dahil mas komportable tayong mag-open up sa kanila.




Hindi rin naman matatawaran ang pagiging malapit ng mga magkakapatid sa isa’t isa na talagang ipinaparamdam ang pagmamahal at pag-aalala sa kapatid sa tuwing may kinakaharap na suliranin.

Ang aktres at dancer na si Ella Cruz ay maituturing na napakaswerte sa pagkakaroon ng kapatid na bukod sa maganda na ay mapagmahal at supportive pa. Ngunit, hindi lamang ang kapatid niya ang supportive kay Ella, kundi maging si Ella ay pinapakita rin ang pagmamahal at pagsuporta sa kapatid.

Si Ella Cruz o kilala sa tunay na buhay bilang si Gabriela Annjane Umali Cruz ay 23 taong gulang na aktres, dancer, commercial model at isa ring social media influencer. Marami ang humahanga kay Ella hindi lamang sa kanyang maganda at maamong mukha kundi dahil na rin sa kanyang talento sa pag-arte at taglay na husay sa pagsayaw.

Ngunit, kamakailan lamang nang lumikha ng ingay sa social media ang ate niya na si Tricia Cruz na napansin agad ng mga netizens ang maganda at maamo nitong mukha na maihahalintulad kay Ella.




Ang Ate Tricia nga ni Ella ay maaari ring maging future celebrity, sa katunayan, active din si Tricia sa mga social media flatforms at mayroon rin siyang sariling Youtube Channel na pinangalanan niya “Tricia Cruz”, at dito niya nga ibinabahagi ang kanyang mga nakakaaliw na videos pagdating sa kanyang travel vlogs, online gaming, fashion at iba pang bagay na may kinalaman sa kanyang lifestyle.

Samantala, nang maging bisita at makapanayam si Ella kasama ang Ate Tricia niya sa Kapamilya show na “Magandang Buhay”, ibinahagi ni Ella kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, lalo na pagdating sa usapang love life. Ayon kay Ella, nag-oopen up siya sa kanyang ate at humihingi ng advice kapag nahihirapan sa kanyang buhay pag-ibig at mga manliligaw. At hindi naman siya binibigo ng kanyang ate dahil palagi itong nasa tabi niya anumang oras.




Ang kanilang magandang samahan bilang magkapatid ay hinangaan ng mga netizens kung saan ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan upang mahalin at pangalagaan rin nila ang kanilang mga kapatid.

Bagama’t nananatiling pribado ang buhay ng pamilya ni Ella, makikita naman na biniyayaan ng isang pamilya si Ella na punong-punong ng pagmamahal, mga magulang na very supportive at mga kapatid na mahal na mahal siya na talagang ipinapakita ang pagsuporta sa kanya.

error: Content is protected !!