Connect with us

Entertainment

Assunta De Rossi, Naging Emosyunal Matapos Ikwento Ang Tungkol sa Pagdating ng kanilang “miracle baby” na si Baby Foire sa Kanilang Buhay

Ang pagkalooban ng isang sanggol ay biyayang hindi matutumbasan ng anumang halaga. Marami ang nagnanais na magkaroon ng anak, ngunit hindi nabibiyayaan. May ilan rin namang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng anak. At may ilan namang tila nawalan na ng pag-asa, ngunit sa tagal ng paghihintay ay ipinagkaloob rin sa huli ang matagal nang hinahangad.




Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Katulad na lamang nga ng dating aktres na si Assunta de Rossi na sumubok na ng ibang paraan upang magkaanak lamang, ngunit nabigo, at sa huli nga ay hindi inaasahan na pagkakalooban sila ng anak ng kanyang asawang si Jules Ledesma sa natural na paraan.

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Matapos isilang ni Assunta noong nakaraang buwan ng Oktubre ang panganay na anak nila ng asawang si Jules, ay tila hindi parin makapaniwala ang dating aktres na ipinagkaloob ito sa kanila. Kaya naman, itinuturing na “miracle baby” ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak na si Baby Fiore. Isang tinatawag na In Vitro Fertilization (IVF) Procedures ang sinubukan ng ilang ulit ni Assunta ngunit hindi ito nagtagumpay. Kaya naman laking gulat ni Assunta ng mabuntis siya sa natural na paraan.

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Sa panayam ng 24 Oras kay Assunta, ay hindi napigilan ng dating aktres na maging emosyunal habang nagkwe-kwento tungkol sa pagdating ni Baby Fiore sa kanilang buhay. Ayon nga kay Assunta, ay halos hindi na niya alam ang gagawin magkaanak lamang sila ng kanyang asawa.

“’Yung feeling mo, nawawalan ka rin ng time. Kasi siyempre 37 na ako ‘eh. Ano pa ba, maghahabol pa ba ako? What else do I have to do? Mag-a-abroad na ba kami tapos kukuha na lang kami ng surrogate? Kasi gusto talaga namin biological eh.”




At sa pagdating nga ni Baby Foire ay mas lalong naging makabuluhan ang buhay ng dating aktres. Ipinangako ni Assunta na magiging isang huwaran at mabuti siyang ina sa kanyang anak upang mapalaki itong mabuting tao.

“Sana huwag siyang lalaking matigas ang ulo, sana huwag siyang lalaking maldita o pasaway. I really did promise God that I will really love her and I will raise her to be God-fearing.”

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

At nang sumapit ng isang buwang gulang si Baby Fiore, ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagmula sa kanya ang napakacute at napakalusog niyang anak.

“Nu’ng nag-one month siya I was so, so, so emotional kasi sabi ko ‘Hindi ako makapaniwala pa rin until now na nanggaling siya sa akin.”

Hindi naman maikakaila na kakaibang saya at ligaya ang dala ni Baby Fiore sa kanilang pamilya. Ang pagmamahal naman ni Assunta at ng kanyang pamilya kay Baby Fiore, ay hindi matutumbasan ng anumang bagay sa mundo, isang pagmamahal na walang kapantay.

“And I just love her. Mahal na mahal namin siyang lahat. Iba ‘yung happiness na nadala niya.”

error: Content is protected !!